Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa pagsusulit na ito ay masusumpungan sa siniping mga teksto sa Bibliya, at ang kumpletong listahan ng mga sagot ay nasa pahina 19. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.)
1. Sa iláng, anong kataga ang ikinapit kapuwa sa pinanahanan ni Moises at sa sagradong tabernakulo? (Exodo 33:7; 39:40)
2. Saan matatagpuan ang templo ni Artemis, na itinuturing na isa sa pitong kababalaghan ng sinaunang daigdig? (Gawa 19:26, 27)
3. Ano ang titulo ng isang opisyal ng Babilonya na mas mababa kaysa sa satrapa? (Daniel 2:48)
4. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, anong bahagi ang dapat ibigay sa mga Levita, at bakit? (Deuteronomio 26:12)
5. Sinong dating patutot ang naging ninuno ni Jesus? (Mateo 1:5)
6. Sa anong lunsod nakilala ni Pablo sina Aquila at Priscila? (Gawa 18:1-3)
7. Anong “kagayakan” ang inirerekomenda ni Pedro para sa mga babaing Kristiyano? (1 Pedro 3:3, 4)
8. Anong gawain ang dapat isagawa bago dumating ang wakas ng sistemang ito ng mga bagay? (Mateo 24:14)
9. Ang pangalang Cesar ay naging maharlikang titulo na katumbas ng ano?
10. Anong prominenteng bahagi ng espirituwal na baluti ng isang Kristiyano ang nagpapangyaring ‘masugpo [niya] ang lahat ng nag-aapoy na mga suligi ng isa na balakyot’? (Efeso 6:16)
11. Sa pamamagitan ng anong mga paraan napatatakbo ang mga barko noong sinaunang panahon? (Ezekiel 27:6, 7, 29)
12. Ano ang hindi kinakain ng tao bago ang Baha? (Genesis 9:3, 4)
13. Ano ang ginamit sa daong upang hindi ito tagusan ng tubig? (Genesis 6:14)
14. Ano ang tinawag ni Jesus na “mapanlinlang,” na kayang sumakal sa salita ng Kaharian at magpangyaring maging “di-mabunga” ang isa? (Mateo 13:22)
15. Ano ang sinabi ni Pedro na magiging resulta ng pagdalisay sa kaluluwa ng isa sa pamamagitan ng “pagkamasunurin sa katotohanan”? (1 Pedro 1:22)
16. Nang ‘pagbawalan [siya] ng banal na espiritu na salitain ang salita sa distrito ng Asia’ sa kaniyang ikalawang paglalakbay misyonero, saan nagtungo si Pablo? (Gawa 16:6)
17. Anong unlapi, na nangangahulugang “anak,” ang madalas na nakikita sa mga pangalang Hebreo? (Genesis 35:18)
18. Ano ang nangyari kay Haring Uzias matapos ang kaniyang mapangahas na paghahandog ng insenso sa templo? (2 Cronica 26:19-21)
19. Ang opisyal na kasuutan ng isang propeta ay kadalasang gawa sa ano? (2 Hari 1:8; Mateo 3:4)
20. Sinong Cesar ang maliwanag na nagpapatay kay Pablo?
21. Sino ang kauna-unahang tao na espesipikong iniulat na gumamit sa pangalan ng Diyos? (Genesis 4:1)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. Ang “tolda ng kapisanan”
2. Sa Efeso
3. Prepekto
4. Ang ikapu, o ikasampu. Sapagkat wala silang mana sa lupain ngunit nakatalaga sa paglilingkod sa santuwaryo
5. Si Rahab
6. Sa Corinto
7. Ang “tahimik at mahinahong espiritu”
8. Ang ‘mabuting balita ng kaharian’ ay kailangang ipangaral sa buong daigdig
9. Emperador
10. “Ang malaking kalasag ng pananampalataya”
11. Mga layag at mga gaod
12. Laman ng hayop
13. Alkitran
14. Ang “kapangyarihan ng kayamanan”
15. Ang “walang-pagpapaimbabaw na pagmamahal na pangkapatid”
16. “Sa Frigia at sa lupain ng Galacia”
17. Ben
18. Pinadapuan siya ni Jehova ng ketong
19. Balahibo ng kamelyo o balahibo ng kambing
20. Si Nero
21. Si Eva