Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 10/8 p. 11-21
  • Alam Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alam Mo Ba?
  • Gumising!—2001
  • Subtitulo
  • Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
Gumising!—2001
g01 10/8 p. 11-21

Alam Mo Ba?

(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 21. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)

1. Ayon kay Pedro, anong katangian ang kailangang ipakita ng isa upang tanggapin ang di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos? (1 Pedro 5:5)

2. Pagkatapos ng pitong-araw na pamamahala ng ikalimang hari ng Israel na si Zimri, sinong dalawang lalaki ang naglaban para sa trono sa loob ng apat na taon ng digmaang sibil? (1 Hari 16:21)

3. Sa ano natakot ang mga Israelita, kung kaya’t ayaw nilang pumasok sa Lupang Pangako? (Bilang 13:28, 31-33; Deuteronomio 1:28)

4. Ano ang pinakamabigat at may pinakamataas na halaga sa mga yunit ng Hebreo? (Ezra 8:26)

5. Sa anong pagkukunwari ipinatawag ni Felix si Pablo, ngunit ano talaga ang kaniyang hinahangad? (Gawa 24:24-26)

6. Anong katawagan ang ginamit ni Jesus upang ilarawan siya at ang kaniyang mga tagasunod? (Mateo 5:14; Juan 8:12)

7. Anong katawagan ang kumakapit lamang kay Jesus at hindi sa kaniyang mga tagasunod? (Mateo 23:10)

8. Anong pananalita ang ginamit ni Santiago na tumutukoy sa ambisyon, katanyagan, at kapangyarihan? (Santiago 4:1)

9. Anong materyales ang pangunahin nang ginamit sa pagtatayo ng palasyo ng Persia sa Susan? (Esther 1:6)

10. Ayon kay Juan, anong tatlong makasanlibutang bagay ang “hindi nagmumula sa Ama”? (1 Juan 2:16)

11. Sa talaan ni Pablo hinggil sa espirituwal na baluti ng isang Kristiyano, anong bahagi ang lumalarawan sa kaligtasan? (Efeso 6:17)

12. Sino ang binabanggit na higit na nagparangal sa kaniyang mga anak kaysa kay Jehova? (1 Samuel 2:27-29)

13. Ano ang ikalimang titik ng alpabetong Hebreo? (Awit 111:3)

14. Anong buwan sa kalendaryong Judio pinasimulan ni Solomon ang pagtatayo ng templo? (1 Hari 6:1)

15. Sinong propetang Kristiyano ang humula sa panghinaharap na pag-aresto kay Pablo sa Jerusalem? (Gawa 21:10, 11)

Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit

1. “Kababaan ng pag-iisip,” o kapakumbabaan

2. Sina Tibni at Omri

3. Ang ‘pambihirang laki’ at lakas ng mga naninirahan

4. Ang talento

5. Upang marinig ang tungkol sa “paniniwala kay Kristo Jesus”; isang suhol

6. “Ang liwanag ng sanlibutan”

7. Lider

8. “Kaluguran ng laman”

9. Marmol

10. “Ang pagnanasa ng laman,” “ang pagnanasa ng mga mata,” at “ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa”

11. Ang helmet

12. Ang mataas na saserdoteng si Eli

13. He’

14. Ziv

15. Si Agabo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share