Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 3/8 p. 22-23
  • Napakatagal Gumulang!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napakatagal Gumulang!
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ecuador—Isang Bansang Nakasaklang sa Ekwador
    Gumising!—1998
  • Mag-ingat—Mga Halamang Pumapatay!
    Gumising!—2004
  • Maganda Na, Masarap Pa!
    Gumising!—2004
  • Ipinamamalas ng mga Bulaklak na may Isang Nagmamahal
    Gumising!—1997
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 3/8 p. 22-23

Napakatagal Gumulang!

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA BOLIVIA

BAKIT naglalakbay ang mga bisita nang dalawa hanggang tatlong oras mula sa lunsod ng La Paz sa Andes, sa kabilang ibayo ng tiwangwang na lupain ng Altiplano, tungo sa isang nabubukod na lugar na tinatawag na Comanche? Bakit pinapasyalan ng ilang botaniko na nagmumula sa lahat ng panig ng daigdig ang mataas at nakaungos na batuhang ito na nagmukhang napakaliit sa pagkalawak-lawak na kapaligiran?

Ang sagot: Upang makita ang tinaguriang kapuwa pinakamalaki sa lahat ng mga halaman at pinakadi-pangkaraniwang halaman sa Andes​—ang Puya raimondii. Kung ikaw ay dumadalaw sa panahon ng tagsibol, baka maging mapalad ka na makakita ng pinakadi-pangkaraniwang pamumulaklak na nagaganap lamang sa loob ng daan-daang taon, ayon sa sabi ng mga tao.

Hindi mo makikita ang Puya raimondii saanmang lugar sa landas na daan-daang milya ang haba; sa katunayan, ang pambihirang uri ng halamang ito ay tumutubo lamang sa iilang lugar, ang lahat ay nasa Kabundukan ng Andes. Yamang wala itong makahoy na katawan, gaya ng mga puno at mga palumpong, inuuri ito ng mga botaniko bilang isang halaman. Pero hindi ka pa nakakita kailanman ng isang halaman na ganito kalaki! Ang ubod nang laki na kumpol ng makikitid at punung-puno ng mga patulis na mga dahon ay lumalampas pa ang taas maging sa pinakamatangkad sa mga tao. Kapag pinagmasdang mabuti, matatanto mo na ito’y isang nakamamatay na silo para sa maliliit na ibon. Ang makikitid na agwat sa pagitan ng mga dahon ay halos laging may natuyong patay na mga ibon na nakapasok sa mga dahon, marahil upang takasan ang isang lawin, anupat masasalabid lamang pala sa nakamamatay na mga tulis-tulis na dahon.

Marahil ay masusumpungan mong pinakakaakit-akit na bahagi ang mga bulaklak ng halamang ito. Sa karamihan ng mga halaman sa grupong ito, iisa o dalawang bulaklak lamang ang masusumpungan mo, kung mayroon man.

Talagang isang nakatutuwang karanasan ang makasaksi ng pamumulaklak ng higanteng halaman na ito. Nakausli nang pagkataas-taas mula sa madahon na pinakapuno nito ang pinakamataas na tulis-tulis na bulaklak sa daigdig ng mga halaman. Dito, libu-libong dilaw na mga bulaklak ang umaabot nang sampung metro ang taas​—mas mataas pa sa tatlong-palapag na gusali! Nangungunyapit sa mga batuhan at tumataas nang tumataas, ang Puya raimondii ay nakatanim nang may karingalan at namumukod-tangi sa lugar.

Subalit nakalulungkot, nanganganib na malipol ang Puya raimondii. Anuman ang dahilan, gustung-gusto ng mga tao na sunugin ang halamang ito. Ito man ay ginagawa nila dahil sa natutuwa silang makakita ng isang nagliliyab na sulo na gayon na lamang kalaki, upang magpainit kapag bumababa ang temperatura, o dahil sa takot na masalabid at mamatay ang mga tupa sa matutulis na dahon nito ay pawang mga haka-haka lamang. Magkagayunman, ang puya ay nakatatagal sa kabila ng sunog, namuong hamog, hangin, nakapapasong init ng araw, at kakulangan sa lupa. Paano ito nagagawa?

Ang Puya raimondii ay kabilang sa malaking pamilya ng mga 2,000 uri na waring nagpakabihasa para mabuhay kung saan ang ibang halaman ay hindi nabubuhay​—ang mga bromeliad. Maliban sa isang uri, ang lahat ay matatagpuan lamang sa mga bansa sa Amerika. Tulad ng puya, marami sa mga ito ang may mga ugat na ang pangunahing gamit ay patatagin ang mga halaman. Ang mga ito’y mayroong pagkaliliit na mga kaliskis sa mga dahon nito na nagpapangyaring sumipsip ng hamog mula sa hangin sa halip na mula sa lupa. Gayundin, kapag may hamog o ulan, tumutulo ito sa pinakasentrong tipunan na naglalaan ng tubig hindi lamang sa halaman kundi maging para sa pagkarami-raming maliliit na nilalang. Subalit sa lahat ng bromeliad, ang Puya raimondii ang pinakamalaki.

Ang bagay na nakatatawag ng pansin sa “reyna[ng ito] ng Andes,” gaya ng itinaguri rito, ay ang kapansin-pansing haba ng panahon para ito’y gumulang at mamulaklak. Binilang ng isang kilalang botaniko ang bakas ng pinagtubuan ng dahon ng isang patay nang ispesimen at tinaya ang edad nito na 150 taon. Sinasabi naman ng iba na nabubuhay lamang ang mga halaman nang 70 taon. Tinatawag ang mga ito ng mga katutubo roon na halamang sentenaryo, anupat naniniwala silang gumugugol nang isang daang taon bago mamulaklak ang mga ito. Ang kauna-unahang itinanim na inalagaan mula sa pagkabinhi ay iniulat na namulaklak sa loob lamang ng 28 taon sa California noong 1986. Anuman ang katotohanan tungkol sa mga puya na tumutubo nang pagkatataas sa Andes, talagang napakatagal gumulang ng mga ito.

[Larawan sa pahina 22]

Paano tumutubo ang pagkalaki-laking “Puya raimondii” sa kakaunting lupa?

[Larawan sa pahina 23]

Ang libu-libong bulaklak ng “Puya raimondii” ang umaakit sa napakaraming ibon

[Larawan sa pahina 23]

Isang “Puya raimondii” na nakaligtas sa sunog

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share