Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 27. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Pagkatapos na itatag ang isang pinagbuting sistemang hudisyal, ano ang ipinag-utos ni Haring Jehosapat sa mga hukom, yamang sila ay humahatol para kay Jehova at hindi para sa tao? (2 Cronica 19:7)
2. Yamang kasali sa Milenyong Paghahari ni Kristo ang pagkakaroon niya ng nakabababang mga hari at saserdote sa langit, sino ang kakatawan para sa kaniya at magsasakatuparan ng kaniyang mga ipinag-uutos sa lupa? (Awit 45:16)
3. Saang rehiyon nagmula ang lahat ng 11 tapat na apostol ni Jesus? (Lucas 4:14)
4. Ano ang hiniling ni Josue alang-alang sa kinubkob na mga Gibeonita para matalo ang mga Amorita? (Josue 10:12, 13)
5. Anong mga pangalan ang ibinigay sa Dagat na Patay sa Bibliya? (Deuteronomio 3:17)
6. Bakit nagpakana si Haman na lipulin ang lahat ng Judio sa Imperyo ng Persia? (Esther 3:5, 6, 10)
7. Anong pangangatuwiran ang ginamit ng tagapagsalita ni Senakerib na si Rabsases para himuking sumuko na si Hezekias? (2 Hari 18:33-35)
8. Sinong dalawang propeta ang kilalá sa panahon ng paghahari ni David? (2 Samuel 12:1; 24:11)
9. Ano ang ginawa ng Diyos sa ikalawang araw ng paglalang? (Genesis 1:7)
10. Nasaan ang mga Israelita nang isugo ni Josue ang dalawang espiya sa Jerico? (Josue 2:1)
11. Anu-ano ang sangkap ng “banal na langis”? (Exodo 30:23-25)
12. Anong mga regalo ang inialok ni Belsasar sa taong makapagbibigay-kahulugan sa sulat sa dingding? (Daniel 5:7)
13. Anong insekto ang kilalá sa Bibliya dahil sa kasipagan nito at likas na talino? (Kawikaan 6:6)
14. Sinong hari ng Judea ang sumagupa sa hukbong militar ng Etiopia na may isang milyong mandirigma? (2 Cronica 14:9, 10)
15. Ang isang taong hangal na inuulit ang kaniyang kamangmangan ay inihalintulad sa anong hayop na bumalik sa sariling suka nito? (Kawikaan 26:11)
16. Anong dalawang ilog sa Damasco ang itinuring ni Naaman na nakahihigit “sa lahat ng tubig sa Israel”? (2 Hari 5:12)
17. Ano ang ipinaratang laban kay Jesus dahil sinabi niyang manunuluyan siya sa bahay ni Zaqueo, ang maniningil ng buwis? (Lucas 19:7)
18. Gaano karaming Asiryano ang pinatay ng isang anghel sa loob ng isang gabi? (2 Hari 19:35)
19. Gaya ng nabanggit ni Pedro, paano pinarusahan ng Diyos ang “mga anghel na nagkasala”? (2 Pedro 2:4)
Mga Sagot sa Pagsusulit
1. “Mag-ingat kayo at kumilos, sapagkat kay Jehova na ating Diyos ay walang kalikuan o pagtatangi o pagtanggap ng suhol”
2. Mga prinsipe
3. Galilea
4. Na ang araw at buwan ay tumigil
5. “Dagat ng Araba, na Dagat Asin”
6. Tinaguriang isang “Agatita,” malamang na si Haman ay inapo ng mga Amalekita—isang bayan na hinatulang lipulin dahil sa kanilang pagkapoot sa mga Judio
7. Ikinatuwiran niya na si Jehova, na tulad din ng mga diyos ng nagaping mga lunsod, ay hindi makapagliligtas sa Jerusalem
8. Sina Natan at Gad
9. “Ang kalawakan”
10. Sa Sitim, sa disyertong kapatagan ng Moab
11. Ang mira, ang matamis na kanela, matamis na kalamo, kasia, at langis ng olibo
12. Purpurang damit, isang kuwintas na ginto, at ang posisyon ng pagiging ikatlong tagapamahala sa kaharian
13. Ang langgam
14. Si Haring Asa
15. Isang aso
16. “Ang Abana at ang Parpar”
17. “Pumasok siya upang makipanuluyan sa isang lalaking makasalanan”
18. 185,000
19. Sa pamamagitan ng paghahagis sa Tartaro