Alam Mo Ba?
(Ang mga sagot sa maikling pagsusulit na ito ay masusumpungan sa binanggit na mga teksto sa Bibliya, at ang buong talaan ng mga sagot ay nasa pahina 19. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang publikasyong “Insight on the Scriptures,” na inilathala ng mga Saksi ni Jehova.)
1. Saang lunsod patungo ang sumasagwang mga alagad ni Jesus nang makita nilang naglalakad si Jesus sa ibabaw ng dagat? (Marcos 6:45-49)
2. Ano ang ipinangalan ni Jesus kay Simon na anak ni Juan? (Juan 1:42)
3. Sinumang nagnanais maging una sa kaniyang mga kapatid ay dapat na maging ano nila? (Marcos 10:44)
4. Aling lunsod ng mga Caldeo ang nilisan ni Abram sa utos ni Jehova? (Genesis 11:31; 12:1)
5. Bakit hinahatulan ng Kautusan ng Diyos sa Israel ang paghahanap ng mga tanda? (Deuteronomio 18:10-13)
6. Anu-anong pagpapala ang sinabi ni Jesus na matatanggap ng mga Kristiyanong nag-anyaya ng mga dukha, lumpo, pilay, at bulag sa kanilang mga piging? (Lucas 14:13, 14)
7. Kapag namatay ang isang tao, ano ang kasabay niyang naglalaho? (Eclesiastes 9:6)
8. Paano naiiba ang paraan ni Jehova ng pagbilang sa panahon kung ihahambing sa ating paraan? (2 Pedro 3:8)
9. Ano ang inaasahang matatamo ng mga Kristiyano kung sasanayin nila ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa? (Hebreo 5:14)
10. Ano ang nagtulak kay Balaam na paluin ang kaniyang asnong babae? (Bilang 22:22-25)
11. Ano ang tulad-epron na kasuutan na ipinapang-ibabaw ng mataas na saserdote sa kaniyang asul na damit na walang manggas? (Exodo 28:4, 31)
12. Ano ang ikalawang lunsod na nilupig ng mga Israelita noong panahon ng kanilang pagsalakay sa Canaan? (Josue 8:18, 19)
13. Sa lahat ng babaing balo nang panahong iyon, kanino lamang isinugo si Elias ayon kay Jesus? (Lucas 4:26)
14. Anong simulain ang itinuro ni Jesus hinggil sa pakikitungo sa mga napopoot sa atin? (Mateo 5:44)
15. Noong araw ng kasal ni Solomon, ano ang hinabi ng kaniyang ina para sa kaniya? (Solomon 3:11)
16. Ayon sa mga salita ni Solomon, bakit kung minsan ay hindi nananalo sa takbuhan ang matutulin? (Eclesiastes 9:11)
17. Ano ang pangalan ng dalawang anak na lalaki ni Jose, na naging mga ninuno ng dalawang tribo ng Israel? (Genesis 41:50-52)
18. Ilang taon ang sinabi ni Jacob kay Paraon na ginugol niya sa paninirahan bilang dayuhan? (Genesis 47:7-9)
19. Ano ang pinagsaluhan ni Jesus at ng kaniyang mga alagad noong gabi bago siya mamatay? (Lucas 22:20)
20. Ano ang pangalan ng paralisadong lalaki na walong taon nang nakaratay sa kaniyang teheras at pinagaling ni Pedro? (Gawa 9:33, 34)
21. Sino ang tinawag na “ina ng lahat ng nabubuhay”? (Genesis 3:20)
Mga Sagot sa Maikling Pagsusulit
1. Betsaida
2. Cefas
3. Alipin nila
4. Ur
5. Isa itong anyo ng panghuhula at ito ay karima-rimarim kay Jehova
6. Makasusumpong sila ng kaligayahan at magkakamit ng gantimpala mula sa Diyos, yamang hindi sila umaasang magagantihan sila ng mga ito
7. Ang kaniyang pag-ibig, poot, at paninibugho
8. Para kay Jehova, ang isang libong taon ay gaya lamang ng isang araw
9. Pagkamaygulang, ang pagkakaroon ng kakayahang makilala ang tama at mali
10. Dahil nakita nito na nakaharang sa daan ang anghel ng Diyos, tinangka ng asno na lumihis tungo sa parang
11. Ang epod
12. Ai
13. Sa babaing balo ng ‘Zarepat sa lupain ng Sidon’
14. “Ibigin ang inyong mga kaaway”
15. Isang putong
16. Dahil sa ‘panahon at di-inaasahang pangyayari’
17. Manases at Efraim
18. 130
19. Isang hapunan
20. Eneas
21. Si Eva