Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 8/22 p. 31
  • Naluluwalhati ang Diyos Dahil sa Malinis na Budhi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naluluwalhati ang Diyos Dahil sa Malinis na Budhi
  • Gumising!—2005
Gumising!—2005
g05 8/22 p. 31

Naluluwalhati ang Diyos Dahil sa Malinis na Budhi

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA UKRAINE

NANG papauwi sila galing sa isang pulong Kristiyano, ang pamilyang Chibisov, mga Saksi ni Jehova sa Ukraine, ay nakapulot ng maliit na bag na mahahalaga ang laman, lakip na ang lisensiya sa pagmamaneho, mga credit card, at salaping katumbas ng mga $500. Sa pamilyang ito na lima ang miyembro, ang asawang lalaki lamang ang may trabaho. Kumikita siya ng $70 bawat buwan. Kaya malaking tulong sana sa kanila ang salaping ito. Ano ang ginawa nila?

Inilahad ng ina: “Pinag-usapan kaagad ng aming mga anak na babae kung paano isasauli ang bag sa may-ari na, ayon sa lisensiya sa pagmamaneho, ay isang babae. Tuwang-tuwa kaming mag-asawa na makita kung paano gumagawi ang aming mga anak ayon sa kanilang budhing nasanay nang mabuti. Kinabukasan, tinawagan ko ang babaing nakawala ng bag. Dumating si Olha na lumuluha sa kagalakan at sinabi sa amin na silang mag-asawa ay may maliliit na tindahan sa bayan. Ang salapi sa bag ay buwanang suweldo ng kanilang mga empleado. Bukod dito, isa sa pinansiyal na mga dokumentong naroon ay napakahalaga para sa kaniyang mga rekord sa negosyo.

“Tinanong kami ni Olha kung saan namin napulot ang bag. Sinabi namin kung saan at ipinaliwanag namin na naroon kami dahil pauwi kami galing sa aming pulong Kristiyano. Nang mag-alok kami sa kaniya ng ilang literatura sa Bibliya, magalang niyang tinanggap ang mga ito.

“Pagkaraan ng ilang linggo, ikinuwento sa amin ng isang kapuwa Saksi sa aming kongregasyon na nang mag-alok siya ng literatura sa Bibliya sa mga dumaraan sa lansangan, isang babae ang nagpaliwanag na hinding-hindi siya noon nakikinig sa mga Saksi ni Jehova. Ngunit ngayon, hindi lamang siya handang makinig kundi handa rin namang tumanggap ng literatura. Ang dahilan, sabi niya, ay sapagkat isinauli ng mga Saksi ang bag ng kaniyang anak na babae.”

[Larawan sa pahina 31]

Ang pamilyang Chibisov

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share