Talaga Bang Nagmamalasakit ang Diyos?
◼ Ikinakatuwiran ng marami na kung may Diyos, hindi niya papayagang magdusa nang gayon na lamang ang mga tao. Ang karaniwang itinatanong ng ilan ay, “Nasaan ang Diyos noong kailangan namin siya?” Sa buong kasaysayan, milyun-milyon ang dumanas ng labis na pasakit at kamatayan pa nga habang pinahihirapan.
Kasabay nito, ang kamangha-manghang pagkakaayos at pagkakadisenyo ng mga bagay na may buhay ay malinaw na katibayan ng mapagmalasakit na Maylalang. Bakit papayagan ng Diyos na nagmamahal sa atin ang gayong labis na pagdurusa? Upang masamba natin ang Diyos sa tamang paraan, kailangang malaman natin ang kasiya-siyang sagot sa mahalagang tanong na iyan. Saan natin ito masusumpungan?
Inaanyayahan ka naming humiling ng kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? Umaasa kaming malalaman mo ang kasiya-siyang mga sagot sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa mga bahaging “Kung Bakit Pinayagan ng Diyos ang Paghihirap” at “Ano ang Ibinunga ng Paghihimagsik?”
Makahihiling ka ng isang kopya kung pupunan mo ang kalakip na kupon at ihuhulog ito sa koreo sa adres na nakasaad o sa angkop na adres na nakatala sa pahina 5 ng magasing ito.
□ Interesado akong tumanggap ng isang kopya ng brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?
□ Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin tungkol sa isang walang-bayad na pantahanang pag-aaral sa Bibliya.