Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g20 Blg. 2 p. 12-13
  • 4. Talaga Bang Ginawa Tayo Para Magdusa?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 4. Talaga Bang Ginawa Tayo Para Magdusa?
  • Gumising!—2020
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Dapat Itong Pag-isipan?
  • Pag-isipan Ito
  • Ang Sinasabi ng Bibliya
  • Pagdurusa
    Gumising!—2015
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2020
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Tanong 3: Bakit Ako Hinahayaan ng Diyos na Magdusa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Gumising!—2020
g20 Blg. 2 p. 12-13
Isang pamilyang nagka-camping. Nagse-selfie sila at ang background nila ay ang mga bundok.

4. Talaga Bang Ginawa Tayo Para Magdusa?

Bakit Dapat Itong Pag-isipan?

Ang sagot sa tanong na iyan ay makakaapekto sa pananaw natin sa buhay.

Pag-isipan Ito

Para saan pa na gumawa ang Diyos ng magagandang bagay kung ang buhay naman ng tao ay punô ng pagdurusa?

Ginagamit ng mga taong di-relihiyoso ang pagdurusa para kuwestiyunin ang motibo ng Diyos o ang pag-iral niya. Kaya raw tayo nagdurusa kasi (1) walang kapangyarihan ang Diyos na alisin ito, (2) walang pakialam ang Diyos kung magdusa man tayo, o (3) wala talagang Diyos.

Iyan lang ba ang mga posibleng dahilan ng pagdurusa?

PARA SA IBA PANG IMPORMASYON

Panoorin sa jw.org ang video na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya?

Ang Sinasabi ng Bibliya

Hindi tayo ginawa ng Diyos para magdusa.

Gusto niyang ma-enjoy natin ang buhay.

“Wala nang mas mabuti para sa [mga tao] kundi ang magsaya at gumawa ng mabuti habang nabubuhay sila, at na ang bawat isa ay dapat kumain, uminom, at masiyahan sa lahat ng pinaghirapan niya. Regalo iyan ng Diyos.”​—ECLESIASTES 3:12, 13.

Maganda ang layunin ng Diyos para sa unang mag-asawa.

Hindi niya gustong magdusa sila​—o ang mga anak nila.

“Pinagpala sila ng Diyos at sinabi: ‘Magpalaanakin kayo at magpakarami, punuin ninyo ang lupa at pangasiwaan iyon.’”—GENESIS 1:28.

Pinili ng unang mag-asawa na humiwalay sa Diyos.

Bilang resulta, nagdusa sila at ang lahat ng anak nila.

“Sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.”​—ROMA 5:12.a

Hindi tayo ginawa ng Diyos para mabuhay nang wala ang patnubay niya.

Kung paanong hindi tayo nilikha para mabuhay sa ilalim ng dagat, hindi rin naman tayo nilikha para pamahalaan ang ating sarili.

“Hindi para sa taong lumalakad ang ituwid man lang ang sarili niyang hakbang.”​—JEREMIAS 10:23.

Hindi gusto ng Diyos na magdusa tayo.

Gusto ng Diyos na mabuhay tayo nang walang problema hangga’t posible.

“Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko, ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog.”​—ISAIAS 48:18.

a Sa Bibliya, ang salitang “kasalanan” ay hindi lang tumutukoy sa maling gawain kundi pati na sa kalagayan na namana ng lahat ng tao.

Talaga bang ginawa tayo para magdusa?

Hindi. Ang pagdurusa ay hindi kasama sa layunin ng Diyos para sa mga tao. Nagsimula lang ang pagdurusa nang piliin ng unang mag-asawa na humiwalay sa Diyos. Pero hindi ibig sabihin nito na habambuhay nang magdurusa ang mga tao.

Matatapos pa ba ang pagdurusa?

Tingnan ang ikalimang tanong.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share