Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 8
  • Mga Higante sa Lupa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Higante sa Lupa
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Paghihimagsik sa Dako ng mga Espiritu
    Espiritu ng mga Patay—Maaari ba Nila Kayong Tulungan o Pinsalain? Talaga Bang Umiiral Sila?
  • Mga Anghel—Kung Paano Nila Tayo Naaapektuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Mga Anghel—“Mga Espiritung Ukol sa Pangmadlang Paglilingkod”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Tulong Mula sa mga Anghel ng Diyos
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 8

KUWENTO 8

Mga Higante sa Lupa

KUNG makakakita ka ng isang tao na kasintaas ng kisame sa inyong bahay, ano kaya ang iisipin mo? Tiyak na ang taong iyon ay isang higante! Noong araw ay talagang may mga higante sa lupa. Saan sila galing?

Alam mo, ang masamang anghel na si Satanas ay nagsisikap din na gawing masama ang ibang anghel. Sa katagalan, ang ilan sa mga anghel na itoay nakinig din kay Satanas. Nanaog sila sa lupa at nagbihis ng mga katawang-tao. Alam mo ba kung bakit?

Sinasabi ng Bibliya na ang dahilan ay ang magagandang babae sa lupa na nakita nila at gusto nilang mapangasawa. Sinasabi ng Bibliya na maling-mali ito, kasi ang mga anghel ay ginawa ng Diyos para tumira sa langit.

Nang ang mga anghel at ang kanilang mga asawa aymagkaanak, ibang-iba ang mga anak na ito. Habang lumalaki, tumaas sila nang tumaas hanggang sa sila’y maging mga higante.

Masasama ang mga higanteng iyon. At dahil sa napakalaki at napakataas nila, sinaktan nila ang mga tao. Pinilit nila ang lahat na magpakasama gaya din nila.

Patay na noon si Enoc, pero may isang tao sa lupa na nanatiling mabuti. Ang pangalan ng taong ito ay Noe. Lagi niyang ginagawa kung ano ang iniuutos sa kaniya ng Diyos.

Isang araw sinabi ng Diyos kay Noe na papatayin niya ang lahat ng masasama. Pero ililigtas ng Diyos si Noe, ang kaniyang pamilya at maraming mga hayop. Tingnan natin kung papaano ito ginawa ng Diyos.

Genesis 6:1-8; Judas 6.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share