Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Onesimo”
  • Onesimo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Onesimo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Bumalik si Onesimo sa Panginoon Niyang si Filemon
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Filemon at Onesimo—Nagkaisa sa Kristiyanong Kapatiran
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Introduksiyon sa Filemon
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Filemon, Liham kay
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Onesimo”

ONESIMO

[Kapaki-pakinabang].

Isang takas na alipin na tinulungan ni Pablo na maging isang Kristiyano. Si Onesimo ay lingkod ni Filemon, isang Kristiyanong taga-Colosas, ngunit tumakas siya mula sa Colosas patungong Roma. Maaari pa ngang ninakawan muna niya ang kaniyang panginoon upang makapaglakbay. (Col 4:9; Flm 18) Malaki ang posibilidad na nakilala niya si Pablo o nabalitaan man lamang ang tungkol dito sa pamamagitan ni Filemon; sapagkat, bagaman hindi espesipikong binabanggit na dumalaw si Pablo sa Colosas noong mga paglalakbay nito bilang misyonero, naglakbay naman si Pablo sa kalakhang lugar na iyon at kilala niya si Filemon. (Gaw 18:22, 23; Flm 5, 19, 22) Anuman ang naging kalagayan, sa isang paraang di-binanggit, si Onesimo ay nakasama ni Pablo sa Roma at di-nagtagal ay naging isang Kristiyano. (Flm 10) Ibang-iba kung ihahambing sa dati niyang kawalang-silbi kay Filemon bilang alipin, ngayon ay naging lubha siyang kapaki-pakinabang kay Pablo bilang isang ministro, isang “tapat at minamahal na kapatid” na tinatawag ni Pablo na “ang aking sariling magiliw na pagmamahal.”​—Col 4:9; Flm 11, 12.

Magkagayunman, si Onesimo ay isa pa ring takas na alipin, at dahil sa kaayusang panlipunan nang panahong iyon ay kailangan siyang pabalikin ni Pablo sa may-ari sa kaniya, bagaman bantulot itong gawin iyon sapagkat siya ay naging isang napakahusay na kasamahan. Gayunman, hindi maaaring pilitin ng apostol si Onesimo na bumalik, kaya iyon ay nakasalalay at bunga ng sariling pagkukusang-loob ni Onesimo na umalis. Nang isugo si Onesimo, isinaayos ni Pablo na samahan ito ni Tiquico at na dalhin ng dalawang ito sa Colosas ang isang liham at isang ulat. (Col 4:7-9) Karagdagan pa, ibinigay ni Pablo kay Onesimo ang liham niya kay Filemon, bagaman matagal nang nakabilanggo si Pablo nang asahan niyang mapalalaya siya at asaming makadadalaw siya kay Filemon nang personal. (Flm 22) Ang huling liham na ito ay maituturing na liham ng muling pagpapakilala at rekomendasyon para kay Onesimo, kung saan tiniyak ni Pablo kay Filemon ang mabuting ministeryong Kristiyano at bagong personalidad ni Onesimo, at kung saan nakiusap siya na ang muling pagkikita nila ay maging tulad sana niyaong sa dalawang Kristiyano sa halip na yaong sa isang alipin at sa panginoon nito. Hiniling ni Pablo na ang anumang di-pa-nababayarang pagkakautang ni Onesimo kay Filemon ay singilin sa apostol. (Flm 12-22) Samantala, sa liham sa mga taga-Colosas na dala nina Onesimo at Tiquico, tinalakay ni Pablo ang mga simulaing Kristiyano na umuugit sa kaugnayan ng alipin at panginoon.​—Col 3:22–4:1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share