TATIM-HODSI
Isang “lupain” na nasa rutang dinaanan ng mga tagakuha ng sensus na isinugo ni David. (2Sa 24:4-6) Hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Tatim-hodsi. Gayunman, binanggit ito sa pagitan ng Gilead at Dan-jaan, anupat ipinapalagay na ito’y nasa hilagaang bahagi ng Lupang Pangako. Ang edisyon ni Lagarde ng Griegong Septuagint ay kababasahan ng “lupain ng mga Hiteo patungong Kades,” isang kahawig na salin naman ang ginamit ng ilang makabagong bersiyon.—JB, NE, RS.