Ginagamit Bilang mga Aklat-Aralan sa Paaralan
Ang munting bulubunduking bansa ng Lesotho ay bumubuo ng isang bayan-bayanan ng sarisaring kultura sa Timog Afrika. Ang mga prinsipal sa paaralan sa lugar ng Maseru, na siyang kabisera, ay kinapanayam at bawat isa ay niregaluhan ng isang huwego ng mga aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito, Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya at Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya. Bilang resulta, isang paaralan ang kumuha ng 50 aklat na Kabataan, at sa isa pa ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya ay pinagtibay bilang opisyal na aklat-aralan. Pitong klase, na binubuo ng 260 mga mag-aarál ang nagsimulang gumamit ng aklat.
Kami’y naniniwala na ikaw at ang iyong pamilya ay makikinabang din sa napakagaling na turo na nasa mga aklat na ito. Bawat isa ay pinabalatan; ang aklat na Kabataan at ang aklat na Pampamilya ay may 192 pahina. Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya ay may 256 na pahina, na kapareho ang laki ng pahina ng magasing ito, at ito’y punô ng mahigit na 125 malalaking ilustrasyon, karamihan ay nasa kaakit-akit na kulay. Tanggapin ang lahat na tatlong aklat sa abuloy na ₱70 lamang.
Pakisuyong padalhan po ako, libre-bayad sa koreo, ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito, at Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya. Ako’y naglakip ng ₱70.