Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 6/15 p. 3-4
  • Sila ba’y Ating Makikita Pa Uli?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sila ba’y Ating Makikita Pa Uli?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Sigurado ang Pagkabuhay-Muli!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Tiyak ang Pag-asa sa Pagkabuhay-Muli!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • “Hindi Totoo Iyan!”
    Kapag Namatay ang Iyong Minamahal
  • Ano ang Nangyayari sa Ating Yumaong mga Mahal sa Buhay?
    Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 6/15 p. 3-4

Sila ba’y Ating Makikita Pa Uli?

“Kami’y iniwanan mo na magpakailanman. Iyon ay lubhang di-inaasahan. Subalit sa kabila ng malalalim na mga sugat na naiwan ng iyong pagpanaw, sa aming mga puso ikaw ay hindi makakatkat. Hindi namin kailanman malilimutan ang kahanga-hangang mga taon na aming tinamasa sa piling mo ni mawawalan man kami ng pag-asang makita ka uli balang araw.”

SA Grand Duchy of Luxembourg, ang naulilang mga pamilya at mga kaibigan ay ulit at ulit na nagpapahayag ng mga sentimyento gaya ng mga ito sa pang-alaalang mga patalastas sa mga pahayagan na lathala pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Nakakahawig na mga kaisipan ang nasa isip ng mga iba pa sa buong daigdig, masisiglang alaala, kasama ang malamig na damdamin ng kawalang pag-asa sa pagpanaw ng mga ito​—pag-asang may kahalong pag-aagam-agam. Marahil ay nagkaroon ka na ng ganiyang damdamin o dili kaya’y narinig mo na ang katulad niyan buhat sa isang kaibigan pagkamatay ng isang mahal sa buhay.

Para sa karamihan ng tao, ang pag-asang makita pa uli ang kanilang yumaong mga mahal sa buhay ay nakalilito at malabo. Ang mga dahilan ay maliwanag. Unang-una, bihirang-bihira sa mga kaarawang ito ang talagang gumagasta ng panahon upang maalaman niya ang tungkol sa bagay na iyan. At kung mayroon namang nagsisikap na maalaman ang tungkol diyan, ang impormasyon na ibinibigay ng karamihan ng relihiyon kung tungkol sa bagay na iyan ay napakalabo o lubhang nakakatawa upang maging kapani-paniwala.

Gaya ng marahil alam mo, para sa marami ang tanging “buhay sa hinaharap” para sa mga patay ay ang pagpapatuloy ng kanilang angkan. Marahil ay narinig mo na ang kuru-kuro na ang mga tao’y ‘nagpapatuloy na nabubuhay sa kanilang mga anak.’ Subalit ang ganiyan kayang “buhay” ay nagdadala ng anumang nadaramang kapakinabangan sa namatay o ng anumang pag-asang makita pa sila uli ng kanilang mga inulila? Hinding-hindi! Kaya’t tunay na walang gaanong kaaliwang naidudulot ang ganiyang paniniwala!

Dahil sa interesado tayo sa ating sariling mahal sa buhay kapuwa yaong mga namatay at yaong mga nabubuhay pa, kailangan natin ang kasagutan sa mga tanong: Kung isang mahal natin sa buhay ang mamatay, muli kaya nating makikita ang taong iyon? Kung ang sagot ay oo, kailan at saan natin makikita? Sa langit? O dito kaya a lupa? Ang totoo, ano ba ang pag-asa para sa yumaong mga mahal natin sa buhay at para sa atin sa hinaharap?

Sa prangkang pangungusap, mayroong mabuting balita tungkol sa mga tanong na ito. Ito’y mabuti sa diwa na mayroong tiyakang, nakagagalak na pag-asa. Ito’y balita sapagkat ito’y isang mensahe na naiiba sa narinig na ng karamihan ng tao, maging galing man sa pinagmulang relihiyoso.

Noong unang siglo ng ating Karaniwang Panahon, nang ang Kristiyanong misyonerong si Pablo ay nasa Atenas, Gresya, siya’y nagpahayag tungkol sa maka-Kasulatang pag-asa para sa mga patay. Ang mga ibang nakikinig ay mausisa, subalit ang mga ibang tagapakinig ay nanghamak. May mga pilosopo na ibig na magpatuloy ng pakikipagtalo sa kaniya, at kanilang sinabi: “Ano baga ang ibig sabihin ng madaldal na ito?” Ang sabi naman ng iba ay na siya’y “‘isang tagapagbalita ng mga ibang diyos.’ Ito’y dahilan sa siya’y nagpapahayag ng mabuting balita tungkol kay Jesus at sa pagkabuhay-muli.” (Gawa 17:18) Oo, ang mabuting balita na ibinalita noon ni Pablo ay tungkol sa pagkabuhay-muli!

Paano mo mamalasin ang pahayag tungkol sa isang panghinaharap na pagkabuhay-muli​—na makikita mo uli na buháy ang mga namatay? Iyon kaya ay waring isang walang kabuluhang kadaldalán? O, dahilan sa iyong pinag-aralan sa relihiyon at sa iyong personal na kuru-kuro, ang mensahe baga ng Banal na Kasulatan tungkol sa pag-asa sa mga patay ay waring bago at kakatuwa sa iyo, na para bagang nanggagaling sa ‘naiibang diyos’?

Kay Pablo, sinabi ng mga taga-Atenas: “Naghahatid ka ng mga kakaibang bagay sa aming tainga. Ibig nga naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.” (Gawa 17:20) Ikaw, gusto mo ba ring makaalam pa ng higit tungkol sa ibinibigay ng Bibliya na pag-asa para sa mga nangamatay nang mga mahal sa buhay, at para sa atin na nangabubuhay? Kung gayon, magiging interesado ka sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share