Tulong Upang Makasundo ang Iba
Ang mabuting musika ay maaaring makatulong sa ganiyan. Ganito ang isinulat ng isang ina na taga-Massachusetts, E.U.A., “Sa pakiwari ko’y patuloy na lumulubha ang mga kalagayan. Ako’y ‘sawa na sa daigdig,’ at laging nasa-isip ko ang mga pagkakamali at kahinaan ng mga iba sa kongregasyon. Napapamahal na talaga sa akin ang mga tapes na ito—para bang natutulungan ang isip ko na ‘mapasauli sa katinuan.’ Paano ko nga kapopootan ang isang kapatid na Kristiyano kung inaawit ko sa aking puso ang tungkol kay Jehova?
“Ang aking paboritong himig ay Tape #2, Side A. Ang tawag ko rito’y ‘Maharlikang Pasimula’—talaga namang kung pakinggan ay himig na ukol sa hari! Ang ibig ng aking seis-anyos na si neneng ay Tape #1, Side B na ang mga awit ay banayad at malumanay. Kaniyang hinihiling na patugtugin ito lalo na kung hindi maganda ang kaniyang pakiramdam at kami’y nauupo sa tomba-tomba habang nakikinig sa mga iyan.”
Bawa’t isa sa apat na cassettes ng mga tugtuging pang-Kaharian ay nagkakahalaga ng ₱30 lamang, at bawa’t isa ay halos isang oras kung patugtugin. Tatanggapin ninyo ang mga ito kung susulatan at ihuhulog sa koreo ang kupon sa ibaba.
Pakipadalhan ninyo ako ng ginurlisan kong cassette(s). Kingdom Melodies No. 1 □ No. 2 □ No. 3 □ No. 4 □ No. 5 □. Ako’y naglakip ng ₱30 para sa bawa’t cassette. (Para sa halaga sa mga ibang bansa, pakisuyong magtanong sa opisina ng lokal na Watch Tower Society.)