Ang Bantayan ay Sabay-sabay na Inilalathala
Noong Hulyo 1879 ang unang labas ng magasing ito ay nagsasabi: “Gaya ng pangalan nito, layunin nito na magmasid sa mga bagay na tatawag ng interes at pakikinabangan upang ipahayag sa ‘munting kawan.’” Ngayon, Ang Bantayan ay nagsisilbi ng espirituwal na pagkain pati sa “isang lubhang karamihan” ng taimtim na mga tao na umaasang magtatamo ng buhay na walang hanggan dito sa lupa.—Lucas 12:32; Apocalipsis 7:9-17.
Lumaki ang sirkulasyon ng Ang Bantayan at gayundin ang dami ng mga wika na kinalalathalaan nito. Ngayon, mayroong 102 mga wika lahat-lahat. Iniuulat na ang mga bagong suskripsiyon sa Ang Bantayan at sa kasamang magasin, Gumising!, ay dumaming totoo noong nakalipas na 70 taon. Gayundin ang pamamahagi sa madla ng indibiduwal na mga sipi. Narito ang ilan sa mga ulat:
Taon Bagong Suskripsiyon Naipamahaging Magasin
1914 2,746 95,973
1944 292,258 9,293,913
1964 1,551,436 127,055,165
1984 1,812,221 287,358,064
Ngayon ay may isa pang mahalagang bagay sa 105-taóng kasaysayan ng Ang Bantayan—ang sabay-sabay na paglalathala nito sa 20-at-mahigit pang mga wika. Isang maligayang pagsulong nga! Patuloy sanang gamitin ni Jehova ang magasing ito sa paghahayag ng kaniyang Kaharian sa ilalim ni Kristo Jesus!
[Mga larawan sa pahina 8, 9]
Sweko
Danes
Norwego
Pinlandes
Portuges
Aleman
Sepedi
Sesotho
Tsonga
Zulu
Olandes
Pranses
Kastila
Italyano
Aprikano
Hapones
Tswana
Venda
Xhosa
Cibemba