Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 7/15 p. 21
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Banta ng “Apocalipsis’’
  • Armagedon​—Ano Ito?
  • Pag-aanak ng mga Teen-ager
  • Armagedon—Ang Maling Pagkakilala Rito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Armagedon—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Armagedon—Isang Maligayang Pasimula
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Ano ang Digmaan ng Armagedon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 7/15 p. 21

Ang Kahulugan ng mga Balita

Banta ng “Apocalipsis’’

Sang-ayon sa teorya ng nuclear-winter, kung mga bombang katumbas ng 5,000 milyong tonelada ng TNT ang pinasabog sa isang digmaang nukleyar ang resultang usok at agiw​—lalong-lalo na sa malalaking siyudad​—ay magiging sanhi ng mga ilang buwang pagdidilim at taglamig sa hemisperong hilagaan, na magsasapanganib ng buhay. “Kung ang sinabing ito ay tama,’’ ang sabi ng Nobel Laureate na si Herbert A. Simon sa magasing Science, “kung gayon walang bansa ang makagagawa ng isang malawakang pag-atake sa pamamagitan ng mga bombang nukleyar kahit na laban sa isang di-armadong kalaban nang hindi nagpapatiwakal.’’

Maraming eksperto ang naniniwala na kung ang teoryang ito ay mapatunayan, magiging isang pangganyak ito para itabi ang mga armas nukleyar. “Ang pagkilala sa problema ng nucclear-winter, bagamat nakapangingilabot, ay parang isang mabuting suwerte sa kahuli-hulihang sandali,’’ ang sulat ni Thomas Powers sa The Atlantic. Subalit ito kaya ay maging dahilan upang matapos na ang pagpapaligsahan sa armas?, Mahirap mangyari iyan. Sinabi ni Powers na ang mga superpowers ay mapipilitan na gumawa ng “isang buong bagong henerasyon ng mga armas’’ taglay ang kasamang “lalong maraming, lalong maliliit at siguradong mga armas na sisira ng mga target sa mga lunsod bagamat hindi masusunog ang mga lunsod sa palibot nila. Bilang konklusyon, sinabi niya na ang problema ng nuclear-winter ay “hindi tatapos sa posibilidad ng isang malaking digmaan . . . , kundi itinutulak lamang nito ang mga tagaplano sa isang bagong direksiyon, papalayo sa apocalipsis.’’

Imbes na magharap ng pag-asa, ang banta ng nuclear-winter ay nagbabangon lamang ng mga bagong pangamba. Hindi kaya mangyari ang mga superpowers ay higit na magpalaganap ng “suicide-proof’’ na mga armas upang malutas na ang kanilang mga komprontasyon? Sa kawalang pag-asa, hindi kaya ang nagdidigmaang mga bansa ay gumamit ng mga armas nukleyar kahit na sila’y mapabingit sa pagpapatiwakal upang maiwasan ang pagkatalo? Ang mapag-imbot na mga estratihiya ng mga bansa ay nagbibigay ng isa pang dahilan upang ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ay kumilos na at pangyarihin ang kaniyang digmaan ng Har–Magedon. Ito’y gagawin niya sa hindi na magtatagal, at tinitiyak sa atin ng kaniyang Salita na “walang hari na iniligtas ng kaniyang maraming mga hukbong pandigma.’’​—Awit 33:16; Apocalipsis 16:14, 16.

Armagedon​—Ano Ito?

Sa isang debate na pinalabas sa telebisyon, ang Pangulong Ronald Reagan ng E.U. ay nagsabi na walang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng mga hula sa Bibliya “na ang Armagedon ay isang libong taon pa ang layo o baka sa makalawa.’’ Subalit bilang sumaryo ng mga ilang sinabi ni Reagan, si Andrew Lang, research director ng Christic Institute, isang ecumenical na sentro, ay nagsabi: “Ang taglay natin ay ang sumusunod na pag-ulit-ulit na nagsasabing ang Armagedon ay baka mangyari sa ating lahi, na ang Armagedon ay baka mangyari sa Gitnang Silangan at na sa Armagedon ay baka kasangkot ang mga puwersang Soviet.’’

Ipinakikita ng Bibliya na “ang mga hari sa buong tinatahanang lupa’’ ay titipunin sa Armagedon upang sila’y puksain, bagamat isang “lubhang karamihan’’ na may paglingap ng Diyos ang makakaligtas. (Apocalipsis 7:14, 15; 16:14, 16; 19:19-21) Ang Armagedon (Hebreo, “Har–Magedon,’’ na nangangahulugan ng “Bundok ng Megiddo’’) ay hindi isang tunay na lugar sa Gitnang Silangan. Ang mga hukbo ng mga bansa ay hindi maaaring magkasiya sa lugar na nakapalibot sa Megiddo, isang sinaunang siyudad na tinutukoy sa Bibliya. Samakatuwid, ang Armagedon ay isang kalagayan, alalaong baga, ang pagtitipon ng daigdig upang humanay laban sa Diyos na Jehova. Ang sitwasyong ito ang kasunod ng “tanda,’’ na ating kasalukuyang nasasaksihan. Ang Armagedon ay magaganap sa ating lahing ito.​—Mateo 24:3-15, 21, 34.

Pag-aanak ng mga Teen-ager

“May mahigpit na tendensiya sa karamihan sa atin na nagigitla sa pagdami ng mga nagdadalangtaong mga teenager sa mga Negro na lutasin ang mga problema sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa pragmatikong panig nito,’’ ang sulat ng Negrong kolumnistang si William Raspberry. Ano ang ibig sabihin nito? Ang mga teenager na mga batang babae ay pinagsasabihan na huwag mag-aanak “dahil sa nakahahadlang ito sa kanilang pag-aaral, sa kanilang pagkakataon na makatapos ng isang karera at sinisira ang kanilang magandang kinabukasan sa buhay. Ang kanilang mga sanggol na iyaanak ay malamang na maging mahihina at may mga problema sa pagkatuto.’’ Subalit, ang sabi ni Raspberry, “ang pinagtatakhan ko at kinayayamutan ko ay kung paanong bihirang-bihira na nababanggit sa mga diskusyong ito ang tungkol sa moralidad.’’

Oo, ang mga teenager ay kailangang turuan na ang kaluwagan sa disiplina, na kalimitan nagbubunga ng pagdadalangtao, ay labag sa mga batas ng Bibliya sa moralidad. (Galacia 5:19-23) Kailangan din silang turuan ng mga prinsipyo sa Salita ng Diyos tungkol sa pag-aasawa at pagpapalaki ng anak. Sinabi ni apostol Pablo na ang mga Kristiyano ay dapat luminang ng pagpipigil-sa-sarili at maghintay hanggang sa sila’y “makalampas sa kasariwaan ng kabataan,’’ na sa panahong ito unang nananariwa ang seksuwal na mga pita, o nagiging matindi, bago sila mag-asawa. (1 Corinto 7:8, 9, 36) Sang-ayon sa mga pag-aaral na ginawa ngayon, ang maygulang na mga tao ang lumalabas na pinakamagagaling na mga magulang, at pinatutunayan ito ng mga batas at simulain tungkol sa moralidad.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share