“Aking Giya, Aking Tagapayo”
Ang aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito ay nagsilbing ganiyan para sa isang kabataan na taga-Senegal, Kanlurang Aprika. “Bilang isang Muslim,” aniya, “totoong humanga ako sa paraan ng pagsusuri ninyo ng mga problema ng mga kabataan. May katalinuhan na nakikitungo kayo sa mga kabataang patungo sa pagkamaygulang. Ang inyong aklat ay itinuturing kong higit kaysa isang aklat—ito ang aking giya, aking tagapayo, at magiging ganoon sa tuwina.
“Yamang ako’y naulila sapol pa nang edad na labing-isang taon, ang nagpalaki sa akin ay ang aking lola hanggang sa ako’y sumapit sa disinuebe anyos. Ngayon ako’y beinte anyos na. Kung ang aking pamumuhay man ay naging isang mabuting impluwensiya sa mga taong nakapalibot sa akin, ito’y dahilan sa aklat na Kabataan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na binasa ko at muli’t-muling binasa ko ito. Bawat paksa na tinatalakay ay nagpapadama sa akin na ito’y talagang para sa akin. Ang nilalaman ng inyong aklat ay ibinahagi ko rin sa lahat ng aking mga kaibigan. Sila man ay nagsasabi na ito’y isang bangan ng saganang kaalaman.”
Kabilang sa 24 na kabanata ng aklat na ito ang: “Papaano Mo Minamalas ang Disiplina?” “Dapat Ka bang Uminom ng mga Inuming Nakalalasing?” “Ang Tugtugin at Sayaw na Pinipili Mo,” “May Kabuluhan ba ang Kalinisang-Asal sa Sekso?” at “Ang Pagde-‘date’ at Pagliligawan.” Maaari kang magkaroon ng napakainam na tulong na ito para sa matagumpay na pamumuhay sa pamamagitan ng pagsulat at paghuhulog sa koreo ng kupon sa ibaba lakip na ang halagang ₱12 lamang.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng 192-pahinang, pinabalatang aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱12.