Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 10/1 p. 31
  • Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 10/1 p. 31

Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre

1 Sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipabatid ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan.​—Fil. 4:6. b 6/15/85 19, 20

2 Patuloy na paalalahanan sila . . . na humanda sa bawat gawang mabuti, na huwag magsalita nang masama tungkol sa kaninuman, na huwag maging palaaway kundi maging makatuwiran, at magpakahinahon sa pakikitungo sa lahat ng tao.​—Tito 3:1, 2. b 5/15/85 11, 12a

3 Pinili ng Diyos . . . ang mga bagay na walang halaga, upang kaniyang mapawalang-halaga ang mga bagay na mahalaga, upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Diyos.​—1 Cor. 1:28, 29. b 2/15/85 10-13a

4 Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa banal na espiritu at upang maglihim ng isang bahagi ng halaga ng lupa?​—Gawa 5:3. b 4/15/85 16, 17

5 Kanilang titipunin ang kaniyang mga pinili . . . mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.​—Mat. 24:31. b 8/1/84 3, 4a

6 Sikapin nating mapukaw ang damdamin ng bawat isa sa pag-ibig at mabubuting gawa, na huwag nating kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon.​—Heb. 10:24, 25. b 5/1/85 6, 7a

7 Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang sinuman na mabuti, maliban sa isa, ang Diyos.”​—Mar. 10:18. b 7/15/84 8a

8 Sapagkat ang pangitain ay sa itinakdang panahon pa, at nagmamadali sa pagkatapos, hindi magbubulaan. Bagaman nagluluwat ay patuloy na hintayin mo; sapagkat walang pagsalang darating. Hindi magtatagal.​—Hab. 2:3. b 9/1/84 12, 13

9 Maraming bayan ang . . . magsasabi: “Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ni Jehova sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tayo’y kaniyang tuturuan sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Sion lalabas ang batas at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem.​—Isa. 2:3. b 9/15/84 22

10 Ang salita mo ay katotohanan.​—Juan 17:17. b 10/1/84 17

11 Sa mga huling araw . . . ang mga tao ay magiging . . . maibigin sa kalayawan kaysa sa maibigin sa Diyos.​—2 Tim. 3:1, 2, 4. b 10/15/84 17-19a

12 Kami ay sasama sa inyo na mga tao, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay kasama ninyo na mga tao.​—Zac. 8:23. b 11/1/84 8, 12a

13 Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagpapalakas sa akin.​—Fil. 4:13. b 11/15/84 1-3

14 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo’y mapaharap sa sarisaring pagsubok, yamang nalalaman ninyo na ang subók na uring ito ng inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.​—Sant. 1:2, 3. b 12/1/84 23, 24

15 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga paalaala, sapagkat lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.​—Awit 119:168. b 12/15/84 1, 2a

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share