Pang-araw-araw na Teksto Para sa Disyembre
1 Gawin mo ito agad-agad sa kaaya-ayang panahon, sa maligalig na panahon.—2 Tim. 4:2. b 6/15/85 7, 8a
2 Huwag kayong padaya, ang Diyos ay hindi napabibiro. Sapagkat anuman ang inihahasik ng tao, ito rin ang aanihin niya.—Gal. 6:7. b 2/1/85 12-14a
3 Kayo’y isang liham ni Kristo na isinulat namin bilang mga ministro, isinulat hindi ng tinta kundi ng espiritu ng Diyos na buháy, . . . sa mga puso.—2 Cor. 3:3. b 2/15/85 18-20
4 Susuguin niya ang kaniyang mga anghel na may kaylakas-lakas na tunog ng trumpeta, at kanilang titipunin ang kaniyang mga pinili mula sa apat na hangin, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.—Mat. 24:31. b 3/15/85 15-17
5 Ang anyo ng pagsamba na malinis at walang bahid-dungis sa paningin ng ating Diyos at Ama ay ito: . . . ingatan ang sarili mo na manatiling walang bahid ng sanlibutan.—Sant. 1:27. b 4/1/85 18, 19a
6 [Samantalahin] ang karapat-dapat na panahon para sa inyong sarili, sapagkat ang mga araw ay masasama.—Efe. 5:16. b 5/15/85 20-22
7 Ingatan ninyong mainam ang inyong paggawi sa gitna ng mga bansa, upang . . . dahilan sa inyong mabubuting gawa na kanilang nakikita ay luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat.—1 Ped. 2:12. b 12/1/84 19, 20b
8 Yumaon ka, manghula ka sa aking bayan.—Amos 7:15. b 1/1/85 6, 7
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito! isang malaking pulutong . . . na nangakadamit ng mga puting kasuotan; at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay. At sila’y patuloy na nagsisigawan sa malakas na tinig, na nagsasabi: “Ang kaligtasan ay utang namin sa aming Diyos . . . at sa Kordero.”—Apoc. 7:9, 10. b 3/1/85 14a
10 Tungkol sa araw o oras na iyon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.—Mar. 13:32. b 6/1/85 16, 17a
11 Kanilang itinakwil ang mismong salita ni Jehova, at anong uri ng karunungan ang nasa kanila?—Jer. 8:9. b 7/15/84 18
12 [Manindigang] matatag sa iisang espiritu, na magkaisa ang kaluluwa na sama-samang nagsisikap sa pananampalataya sa mabuting balita.—Fil. 1:27. b 8/1/84 8, 9a
13 Sila’y magsisilakad ayon sa aking mga kahatulan, at susundin nila ang aking mga palatuntunan, at isasagawang tiyakan.—Ezek. 37:24. b 9/1/84 7, 10, 11a
14 Kayo’y magsaya, humiyaw nang may kagalakan sa pagkakaisa.—Isa. 52:9. b 7/1/84 1-3b
15 Sa takdang panahon ay babalik siya, at siya’y talagang lalaban sa timog.—Dan. 11:29. b 10/1/84 8, 9a