Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 12/1 p. 29-31
  • Pagpapasakop kay Jehova sa Pamamagitan ng Pag-aalay

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapasakop kay Jehova sa Pamamagitan ng Pag-aalay
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Bayaan Mo Na Ngayon”
  • Ang Kapasiyahan ay Nakasalig sa Kaalaman
  • Ang Wastong Kasuotan at Asal
  • Bautismo—Kahilingan Para sa mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Bakit ba Magpapabautismo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Ang Kahulugan ng Iyong Bautismo
    Sambahin ang Tanging Tunay na Diyos
  • Bautismo​—Isang Napakagandang Goal!
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 12/1 p. 29-31

Pagpapasakop kay Jehova sa Pamamagitan ng Pag-aalay

“NALALAMAN natin na tayo’y sa Diyos, ngunit ang buong sanlibutan ay nakalugmok sa kapangyarihan ng balakyot.” Ganiyan iniharap ni apostol Juan ang isang katotohanan na tinatanggihan ng karamihan ng tao, samakatuwid nga, na ang buong sanlibutan ay nakalugmok sa kapangyarihan ng “balakyot,” si Satanas. Subalit, yaong mga nasa panig ng tunay na Diyos, si Jehova, ay hindi “nasusupil” ni Satanas. Kaya naman ang buong sangkatauhan ay alinman na nasa ilalim ng pamamahala ni Satanas o kaya’y nasa ilalim ng pamamahala ni Jehova. Ang isang tao ang dapat magpasiya. Kanino ka ba napaiilalim? Kay Satanas o kay Jehova?​—1 Juan 5:18-20; New International Version; Today’s English Version.

Ngayon higit kaysa kailan man ang panahon na dapat pumili ang lahat. (Lucas 21:31, 32) Ipinakita ni Jesus na hindi ka maaaring lumagay sa gitna, o sa alanganin. Sinabi niya: “Ang wala sa aking panig ay laban sa akin, at ang hindi kasama kong tumitipon ay nagsasambulat.” (Mateo 12:30) Paano natin matitiyak na tayo’y kasama ni Kristo na tumitipon? Pagkarami-raming baha-bahagi at sarisaring mga relihiyon na nag-aangkin na sila’y Kristiyano, upang “maligtas” at “maipanganak-muli,” kaya naman ang mismong mga terminong ito ay naging pagkamura-mura na. (Mateo 19:16-26; Juan 3:3; 10:9) Ang alituntunin ay: Atin bang pinaniniwalaan at ipinangangaral ang pinaniwalaan at ipinangaral ni Jesus, bilang isang Judio, hindi niya niluwalhati ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtuturo ng isang mahiwagang doktrina ng Trinidad. (Juan 14:28; 17:1-5) Subalit siya’y nangaral ng isang malinaw na pabalita, yaong sa Kaharian ng Diyos. Alam niya ang pagkasugo sa kaniya, kaya sinabi ni Jesus: “Sa mga ibang lunsod din naman ay kailangang ipangaral ko ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos, sapagkat dahil dito ako sinugo.”​—Lucas 4:43.

“Bayaan Mo Na Ngayon”

Bago sinimulan ni Jesus ang kaniyang pangmadlang ministeryo na pagbabalita sa Kaharian ng Diyos, siya’y kumuha ng isang mahalagang hakbang na nagsisilbing halimbawa para sa lahat ng, katulad niya, mga magpapasakop sa kaniyang Ama. Ganito ang paglalahad ni Mateo: “Pagkatapos ay nanggaling si Jesus sa Galilea at naparoon sa Jordan kay Juan, upang pabautismo.” Nang tumutol si Juan at sabihin na siya pa nga ang dapat na bautismuhan, sumagot si Jesus: “Bayaan mo na ngayon, sapagkat ganiyan ang nararapat sa atin na ganapin ang lahat ng matuwid.”​—Mateo 3:13-15.

Pagkatapos na magpakita ng halimbawa sa “lahat ng matuwid” sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa Jordan, nang malaunan ay nakapagbigay si Jesus ng utos sa kaniyang mga alagad: “Humayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng bansa, bautismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng banal na espiritu, turuan sila na ganapin ang lahat ng bagay na iniutos ko sa inyo.” (Mateo 28:19, 20) Bukod sa iba pang mga bagay, ang hakbanging ito ng pagpapabautismo ay dapat pagkakilanlan sa mga taong nagpasiyang pasakop sa tunay na Diyos, si Jehova, imbis na kay Satanas. Noong nakalipas na taon ng paglilingkod (Setyembre 1983–Agosto 1984) halos 180,000 na mga tao sa buong daigdig ang nagpakilala ng kanilang kapasiyahan sa pamamagitan ng bautismo sa tubig. Ipinakita nila na itinataguyod nila ang pagkasoberano ni Jehova imbis na yaong kay Satanas.​—Kawikaan 27:11.

Ang Kapasiyahan ay Nakasalig sa Kaalaman

Sa taóng ito libu-libo rin ang nagbabalak na pabautismo pagka idinaos na sa maraming lugar sa buong daigdig ang Kombensiyon ng mga “Nag-iingat ng Katapatan.” Bago sumapit sa ganitong pagpapasiya, lahat ng kandidato ay tinulungan ng matatanda sa kongregasyon upang maingat na repasuhin ang mga pangunahing doktrina ng Bibliya at ang mga alituntunin para sa pamumuhay Kristiyano upang tiyakin na sila’y talagang kuwalipikado na pabautismo. Kaya’t pinatutunayan nito na ang pagpapabautismo ay hindi isang biglaang pagpapasiya. Kundi, bawat isa ay ‘nagpatunay para sa kaniyang sarili kung ano ang mabuti at kalugud-lugod at sakdal na kalooban ng Diyos’ at ibig niya na gawin ang kaloobang iyan.​—Roma 12:2.

Sa pagtatapos ng pahayag tungkol sa bautismo, ang mga kandidato ay makasasagot na nang may unawa at taos-pusong pagpapahalaga sa dalawang tanong na nagpapatunay na kinikilala nila ang ibig sabihin ng pagtulad kay Kristo. Ang unang tanong ay:

Salig sa hain ni Jesu-Kristo, inyo bang pinagsisihan ang inyong mga kasalanan at nag-alay kayo ng sarili kay Jehova upang gawin ang kaniyang kalooban?

Ang pangalawa ay:

Nauunawaan ba ninyo na ang inyong pag-aalay at pagpapabautismo ay nagpapakilala na kayo’y isa sa mga Saksi ni Jehova na kaugnay ng organisasyon ng Diyos na pinapatnubayan ng kaniyang espiritu?

Pagkatapos na masagot ng oo ang mga tanong na ito, ang mga kandidato ay nasa tamang kondisyon na ang puso na tumanggap ng bautismong Kristiyano.

Ang Wastong Kasuotan at Asal

Kung minsan ay may mga tanong tungkol sa wastong kasuotan para sa mga babautismuhan. Kahinhinan ang dapat manaig sa dapat isuot na damit-pambasa. Ito’y mahalaga ngayon na ang uso ay ang pagbibilad ng katawan at halos paghuhubo’t-hubad na. Dapat isaalang-alang na mayroong mga bathing suit na animo’y mahinhin kung hindi pa basa pero hindi gayon kung mabasa na. Hindi gusto ng sinumang pababautismo na siya’y makatawag ng pansin o katisuran sa mga sandaling iyon na napakahalaga.​—Filipos 1:10.

Noong mga nakaraan, may mga nagbibigay pa ng mamahaling mga regalo at naghahanda ng marangya para sa mga bagong kababautismo. Ang bautismo ay isang okasyon ng malaking kagalakan, ngunit marahil ay angkop dito ang isang payo. Ang sabi ng Bibliya: “Mas maigi ang wakas ng isang bagay kaysa pasimula niyaon.” (Eclesiastes 7:8) Ang bautismo ay isang pasimula​—ang pasimula ng takbuhing Kristiyano para sa kaligtasan sa buhay. Dito’y hindi pa nakapagtatatag ng isang mahabang rekord ng tapat na paglilingkuran. Kaya’t bakit ang mga baguhan pa lamang nakukomberte ay aakayin mo na maniwalang sila’y totoong napakahalaga sa ganang sarili?​—Ihambing ang 1 Timoteo 3:6.

Ano ang sinasabi ng Bibliya na naganap pagkatapos na tatlong libo ang mabautismuhan noong Pentecostes 33 C.E.? “Sila‘y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama, sa pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin.” Ipinako nila ang kanilang mga kaisipan sa espirituwal na mga bagay at isa’t-isa’y nagbigayan ng mayroon sila. (Gawa 2:41, 42) Ang bautismo ay panahon ng pagbubulaybulay at matamang pag-iisip. Tayo’y nagagalak na makitang ang ating mga inaaralan ng Bibliya ay gumagawa ng ganitong mahalagang hakbang. At ang ating iniaasal sa lugar ng bautismo ay dapat magpakita sa mga naroroon na isang mahalagang pasiya ang ginawa​—ang pasakop sa Diyos bilang Soberanong Panginoon at, bilang isang saksi sa panig ni Jehova, ang maging hindi bahagi ng sanlibutan na nakalugmok “sa kapangyarihan ng balakyot.”​—1 Juan 5:19; Mateo 4:10.

[Blurb sa pahina 30]

Sapol noong Hunyo 1984, lahat-lahat ay 808 na “Pagsulong ng Kaharian” na mga Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova ang idinaos sa buong lupa. Ang iniulat na kabuuang bilang ng nagsidalo ay 5,002,684. Mayroong 63,556 na nabautismuhan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share