Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 2/1 p. 31
  • Gustong Maging Hari

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gustong Maging Hari
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 2/1 p. 31

Gustong Maging Hari

● Sang-ayon sa isang pahatid ng Associated Press, nang si Papa John Paul II ay dumalaw sa Brazil noong nakaraang tag-araw “maliwanag na siya’y patuloy na kumuha ng lakas sa lubhang karamihan na dumagsa sa kaniya, na kumakanta ng ‘Hari, hari, hari, si John Paul ang aming hari.’ ” Subalit nang si Jesu-Kristo, na inaangkin ni John Paul na kinakatawan niya, ay mapaharap sa isang kahawig na situwasyon malaking pagkakaiba ang kaniyang ikinilos. Nang makita ang mga himala na ginagawa ni Jesus, ang lubhang karamihan ay humanga sa kaniya, na ang sabi, “Ito nga ang propeta na darating sa sanlibutan,” at nakita noon ni Jesus na ang hilig ng karamihan ay “gawin siyang hari.” Subalit imbis na “kumuha ng lakas” gaya ng ginagawa ng mga pulitiko pagka sila’y hinahangaan, sinasabi ng Bibliya na “siya’y tumakas uli at nagtungo sa bundok, na nag-iisa.”​—Juan 6:14, 15, “Catholic Confraternity” Version.

Upang ipakita na walang sinuman ang maaaring maging mistulang hari sa tunay na Iglesyang Kristiyano, ipinakita ni Pablo ang malaking pagkakaiba niyaong mga sumusubok na gawin iyon at yaong mga tunay na apostol: “Ibig ko sana’y kayo’y tunay na mga hari, at kami’y maging mga hari sana na kasama ninyo! Subalit sa halip, ang pakiwari ko, kaming mga apostol [kasali na si Pedro] ay inilagay ng Diyos sa dulo ng paghahanay na ito, kasama ng mga taong sentensiyado ng kamatayan . . . kayo’y mga tanyag, kami’y mga api. . . . kami’y nagtatrabaho para sa aming ikabubuhay sa tulong ng aming sariling mga kamay. . . . Kami’y pinakikitunguhan na gaya ng sukal ng sanlibutan, magpahanggang sa araw na ito, ang basura ng lupa.” Inaakala kaya ninyo na ang paglalarawang ito ng Kasulatan sa mga apostol ni Kristo ay makikita sa iginagawi niyaong mga taong nag-aangkin na kanilang mga kahalili?​—1 Cor. 4:8-13, Katolikong “Jerusalem Bible.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share