Bakit Sila Nagsasalita Nang Pang-uuyam?
Isang mambabasa ng magasing Gumising! sa Inglatera ang nagtataka kung bakit ba raw may mga taong nagsasalita nang may pang-uuyam tungkol dito, na ang sabi:
“Bagama’t ako’y hindi ninyo kapananampalataya, ako’y lagi nang humahanga sa kahusayan at pagkamalinaw ng inyong magasin.
“Malimit na ako’y nagtataka dahil sa pang-uuyam ng aking mga bisita pagka sila’y nakakita ng isang kopya niyan sa amin. Ang dahilan kaya ay sapagkat tinatamaan ng Gumising! ang napakaraming ‘pantahanang mga katotohanan’ tungkol sa ating sarili?
“Ako’y lalo nang naging interesado noong nakaraang taon sa inyong mga artikulo tungkol sa alak at, dahil sa ako’y dating lasenggo, sa kinuha sa Bibliya na patotoo tungkol sa inumin na gumagapang ‘na mistulang isang ahas’ at nagpatunay sa akin, minsan pa, ng karunungan na nasa aklat na iyan.”
Kayo man ay hahanga sa Gumising! Ito’y naglalagos hanggang sa ilalim na ilalim ng mga suliranin. At yamang ito’y hindi nasusupil ng mga tagapag-anunsiyo na gustong makapangibabaw, ito ay malaya na naglalathala ng mga katotohanan. Kayo man ay masisiyahan sa magasing ito, na lathala sa 53 mga wika at binabasa ng angaw-angaw na mga tao.
Pakisuyong padalhan ako ng isang taóng suskripsiyon para sa Gumising! Ako’y naglakip ng ₱50 para sa 24 na labas ng magasing ito (2 sipi isang buwan).