‘Upang Mapawi ang Kaniyang Kalungkutan’
ISANG lalaki na ang trabaho’y nasa Sultanato ng Oman ang sumulat sa tanggapang sangay ng Watch Tower Society sa India. “Mga ilang araw na ngayon ang nakalipas,” aniya, “nakita ko ang aklat na Kaligayahan—Papaano Masusumpungan sa bahay ng isa sa aking mga kaibigan dito. Kalabisang sabihin na ang aklat bilang kabuuan ay isang tunay na maipagmamakapuri. Prangkahan na masasabi ko, malaki ang naging impluwensiya sa akin ng maliit na aklat na ito, at ibig kong ang napakahusay na aklat na ito ay mairegalo ko sa aking maybahay sa anibersaryo ng aming kasal upang mapawi ang kaniyang kasalukuyang kalungkutan. Pakisuyong padalhan ninyo ng isang kopya ng aklat na ito ang aking maybahay sa pinakamaagang panahon na maaari. Ang kaniyang direksiyon ay nakasulat sa itaas.”
Ang 192-pahinang aklat na ito ay hindi lamang isang malaking tulong sa pakikitungo sa mahihirap na suliranin kundi nakaturo rin sa paraan ng paglutas magpakailanman sa mga problema ng buhay.
Pakisuyong padalhan ninyo ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang aklat na Kaligayahan—Papaano Masusumpungan. Ako’y naglakip ng ₱14.