Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 7/1 p. 32
  • “Mga Sipi Para sa Personal na mga Kaibigan”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mga Sipi Para sa Personal na mga Kaibigan”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 7/1 p. 32

“Mga Sipi Para sa Personal na mga Kaibigan”

Dahil sa nasiyahan sila nang husto sa aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya, marami ang nagregalo ng mga sipi nito sa iba. Halimbawa, isang taga-Indiana, E.U.A., ang sumulat:

“Ibig kong batiin kayo sa kahanga-hangang aklat na katatapos ko lang basahin, ang Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya. Ito’y mainam ang pagkasulat at madaling maintindihang aklat, at makikinabang dito ang ating mga kabataan at pati ng ating mga may edad na.

“Ibig ko ng karagdagan pang mga sipi para sa personal na mga kaibigan, at ibig ko ring gamitin ang aklat bilang regalo sa ikakasal na nobya pagka binigyan siya ng bridal shower.

“Ako po’y kabilang sa relihiyong Nazareno . . . at wala kong minamahalagang bagay, maliban sa aklat, na ipinadadala ko sa paraan ko . . . Kung maaari po’y bibili ako ng sampung sipi ng aklat sa makatuwirang halaga, at pasasalamatan ko kung tatanggap ako ng sagot buhat sa inyo.”

Marahil ay ganiyan din ang palagay mo tungkol sa aklat na Pampamilya. May nakikilala ka bang sinuman na ibig mong bahaginan nito? Bakit hindi padalhan ang taong iyon ng isang siping regalo? Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagsulat at paghuhulog sa koreo ng kasamang kupon, lakipan mo lamang ng ₱14 ang kupon.

Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatan, 192-pahinang aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya at ng isang liham na nagpapaliwanag na ito ay isang regalo buhat kay ‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐‐

Ako’y naglakip ng ₱14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share