Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 12/15 p. 30
  • Natatandaan Mo Ba?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Natatandaan Mo Ba?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • ‘Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad, na Binabautismuhan Sila’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Espiritismo—Paano ba Ito Minamalas ng Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 12/15 p. 30

Natatandaan Mo Ba?

Nasumpungan mo ba ang mga labas kamakailan ng Ang Bantayan ay praktikal na mapapakinabangan mo? Kung gayo’y bakit hindi subukin kung naaalaala mo pa ang mga sumusunod:

◻ Bakit si Timoteo ay isang mainam na halimbawa na sundin ng mga kabataan?

Iniwan ni Timoteo ang umano’y normal na pamumuhay sa tahanan upang maging isang maaasahan at tapat na kasama ni Pablo. Siya’y kasa-kasama ni Pablo sa hirap at sa ginhawa, kaniyang tinangkilik ito sa gawaing pangangaral at sumunod saan man siya atasan. (Filipos 2:19, 20)​—8/15, pahina 14.

◻ Ano ba ang mga kuwalipikasyon para sa bautismo?

Ang kandidatong babautismuhan ay kailangang makaunawa kung ano ang kasangkot. Talagang hangarin niya na maglingkod kay Jehova dahilan sa kaniyang iniibig Siya. Ipinakikita niya ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pamantayang moral ng Diyos at ibinabahagi niya sa iba ang kaniyang pananampalataya. Kailangang gumawa rin siya ng personal na pag-aalay kay Jehova sa panalangin.​—8/15, pahina 16.

◻ Bakit nga mali na makialam sa espiritismo?

Ang pakikialam sa espiritismo ay katumbas na rin ng pag-ibig sa isang bagay na kinapopootan ni Jehova. (Kawikaan 6:16-19) Sa aktuwal, ito’y katulad ng pagtanggi kay Jehova at pagpanig sa pusakal na kaaway ng Diyos at sa kaniyang mga alipores.​—9/1, pahina 5.

◻ Ano ba ang “aklat ng alaala” na tinutukoy sa Malakias 3:16?

Magmula noong panahon ni Abel patuloy, itinatala na ng Diyos, na para bagang isinusulat niya sa isang aklat, yaong mga taong matutubos at karapat-dapat alalahanin upang magkamit ng buhay na walang-hanggan. Itong “aklat ng alaala” na ito ang siya ring tinutukoy na “ang aklat ng buhay” at “ang balumbon ng buhay.” (Apocalipsis 3:5; 17:8; Mateo 23:35)​—9/1, pahina 29.

◻ Ano’t ang isang tunay na kaibigan ay napakahalaga?

Sa tuwina’y maaari kang bumaling sa isang tunay na kaibigan para humingi ng tulong, payo, kaaliwan, at maging isang matalik mong kasama.​—9/15, pahina 3, 4.

◻ Ano ba ang nagdudulot-kamatayang “hangin” ng sanlibutang ito?

Ito yaong pangkalahatang espiritu, o dominanteng saloobin ng kaimbutan at pagsuway, na makikita sa mga taong hiwalay sa Diyos. (Efeso 2:2; 1 Corinto 2:12)​—9/15, pahina 11.

◻ Upang ang isang relihiyon ay magkaroon ng praktikal na kabutihan ano ang kailangang gawin nito?

Kailangan na ito’y may mabuting bunga. Kailangan na magbunga ito ng lalong mabubuting mga tao. Kailangang maipaliwanag nito kung bakit ganito ang mga bagay-bagay sa lupa ngayon. At dapat na itanim nito sa isip at puso ng mga tao ang isang tiyak na pag-asa sa hinaharap. (Mateo 7:17-20)​—10/1, pahina 7.

◻ Ano ang hindi naisakatuparan ng Repormasyon?

Ang ibang mga sinaunang repormista ay nangarap ng pagbabalik sa mga pamantayan ng Bibliya, sa dalisay na Kristiyanismo. Kailanman ay hindi natupad ang pangarap na ito. Sa pagkalagas ng panahon, ang mga pangunahing doktrina ng mga relihiyong Protestante, pambansa man o hindi, ay karamihan napaayon na rin sa mga doktrina ng Iglesya Katolika Romana.​—10/1, pahina 25.

◻ Ano ang umakay upang si Moises at si Aaron ay hatulan ng Diyos pagkatapos ng nangyari roon sa Kadesh-barnea?

Ang Awit 106:32, 33 ay nagbibigay ng pang-unawa sa pangyayaring ito, na nagpapakita na si Moises ay kumilos bunga ng isang mapait na kalooban at ‘nagsalitang padalus-dalos ng kaniyang mga labi.’ Sa pamamagitan ng mga salitang pagalit, itinawag-pansin niya ang kaniyang sarili at si Aaron imbis na si Jehova, na siyang talagang makahimalang makapagbibigay ng tubig. Sa ganitong paraan si Moises ay nabigo na ‘pakabanalin ang Diyos sa harap ng mga mata ng bayan.’ (Bilang 27:12-14)​—10/15, pahina 31.

◻ Anong dakilang layunin ang naisagawa ng Kautusan ng Diyos na ibinigay sa Israel?

Ang Kautusan ay ibinigay sa Israel upang ang bansa ay panatilihing malinis sa pisikal, sa espirituwal, sa mental, at sa moral.​—11/1, pahina 12.

◻ Ano ang ilan sa mga pantulong upang ang isa’y makapanatili na malinis sa kalagayang pagkawalang-asawa?

Manalanging palagian na bigyan ka ng espiritu ng Diyos at tulungan ka niya na maipamalas ang bunga niyaon. Bulaybulayin ang payo na nasa Salita ng Diyos at ikapit iyon. Iwasan ang mahalay na babasahin at imoral na libangan. Lumayo sa masasamang kasama. Iwasan ang lahat ng maruruming pananalita at mahalay na pagbibiro.​—11/15, pahina 20.

◻ Ano ang malaking pagkakaiba ng mga pagpapagaling na binabanggit sa Bibliya at sa mga iniuulat ng mga nanggagamot batay sa pananampalataya ngayon?

Si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay hindi kailanman nagpabayad sa kanilang ginawang pagpapagaling. Ang mga pagpapagaling na ginawa noong mga panahon na tinutukoy ng Bibliya ay nagaganap nang biglaan o sa loob ng maikling yugto ng panahon.​—12/1, pahina 4, 5.

◻ Ano ang ilan sa mga kapakinabangan sa pag-awit nang malakas sa tunay na pagsamba?

Ang ating personal na pagkasangkot sa pangmadlang pagsamba ay nagiging lalong matibay. Ang pag-awit ay nagbibigay ng mainam na patotoo sa mga baguhan. Pinakamahalaga, lalong malaking kapurihan ang idinudulot nito kay Jehova.​—12/1, pahina 27.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share