Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 3/15 p. 30-31
  • Tumawag sa Pangalan ni Jehova at Maligtas!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tumawag sa Pangalan ni Jehova at Maligtas!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Kakila-kilabot na Paglusob ng mga Insekto
  • Ang Daan ng Kaligtasan
  • Paghuhukom sa mga Bansa
  • Aklat ng Bibliya Bilang 29—Joel
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Malapit Na ang Araw ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Isang Pag-atake Mula sa Hilaga!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2020
  • Laging Isaisip ang Araw ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 3/15 p. 30-31

Mga Aral Mula sa Kasulatan: Joel 1:1–3:21

Tumawag sa Pangalan ni Jehova at Maligtas!

“KUNG ang salot ay hindi na mapigil, ito’y lalaganap hanggang sa Silangang Aprika at sa Malapit na Silangan. Ito’y maaaring mauwi sa isang kapahamakan.” Ganiyan ang sabi ng isang opisyal ng UN Food and Agriculture Organization tungkol sa masibang insekto na bilyun-bilyon ang kasalukuyang sumasalakay sa hilagang-kanlurang Aprika​—ang balang.

Noong mga taóng 820 B.C.E., ang propeta ng Diyos na si Joel ay may binanggit na isang nahahawig na salot. Sa buong linaw na mga pananalita na wala pang nakadadaig sa kawastuan at pagkamakatotohanan, kaniyang inilarawan kung paanong ang bansa ng Juda ay masasalanta dahil sa salot ng mga balang. Gayunman, ang salot na iyon ay lumalarawan sa isang bagay na lalung makabuluhan kaysa pagsisilbing isang panganib lamang. Iyon ay nagbabalita ng “araw ni Jehova”! Ang ating salinlahi ay nakaharap sa “kakila-kilabot na araw” na iyan lakip na ang lahat ng mapangwasak na kapusukan niyaon. Ano ang pag-asang may makaliligtas? At anong mga aral ang maaari nating matutuhan mula sa makahulang aklat ni Joel?

Kakila-kilabot na Paglusob ng mga Insekto

Pagsisisi ang kailangan upang maligtas sa panahon ng kasindak-sindak na araw ni Jehova. Sa tulong ng mga mata ni Joel, nakikita natin ang isang kalamidad samantalang ang lupain ay hinuhubaran ng pananim ng kuyug-kuyog na mga uod, balang, gumagapang na mga balang na wala pang pakpak, at mga ipis. Ang mga saserdote, nakatatandang mga lalaki, at iba pang mga mamamayan ng Juda ay humihimok na magsisi “at magsumamo kay Jehova ng paghingi ng tulong.” Ang mga kamalig ay nakatiwangwang, at ang mga bangan ay giba na pagkatapos na mawalan ng laman. Ang domestikadong mga hayop ay nasa kalituhan at pagala-gala, sa kabiguang makakita ng damuhang pasabsaban. Anong kakila-kilabot na araw ng kapahamakan buhat sa Makapangyarihang Isa!​—1:1-20.

Ang pagkamalapit ng araw ni Jehova ay dapat magpakilos sa atin na gumawa ng mga gawang kabanalan at maka-Diyos na mga gawain. (2 Pedro 3:10-12) Sa pamamagitan ni Joel ay nakikita natin ito bilang isang araw ng kadiliman, ng ulap, at ng masalimuot na kapanglawan. Ang mga balang ay isang nakasisindak na palatandaan ng araw na iyan. Pagkatapos ng kanilang pagsalakay, ang tulad-Eden na paysahe ng Juda ay nagiging isang ilang na kagubatan. Ang hugong ng mga balang ay nagpapahiwatig din ng mangyayari, sapagkat iyon ay katulad ng hugong ng isang karo at ng isang naglalagablab na apoy na sumusupok sa dayami. Samantalang umaabante ang mga balang na “mistulang isang malakas na bayan, na nakahanay sa pakikipagbaka,” sila’y umaakyat sa mga pader, dumadagsa sa mga siyudad, at pumapasok sa mga bahay. Maging ang araw, buwan, at mga bituin man ay nagdidilim sa panahon ng ‘kakila-kilabot na araw ni Jehova.’​—2:1-11.

Ang Daan ng Kaligtasan

Para sa kaligtasan, kailangang kilalanin nating ‘si Jehova ay Diyos at wala nang iba.’ “Magsipanumbalik kayo sa akin nang inyong buong-puso,” ang payo ni Jehova. Matanda at bata ay hinihimok na makipagtipon sa banal na asamblea upang manikluhod na hilingin ang lingap ng Diyos. Ang Diyos ay magpapakita ng awa, tatakpan niya ng kaukulan ang nagawa ng mga insekto na pananalanta, at pagpapalain nang sagana ang kaniyang bayan. Yaong mga kumikilala sa posisyon ni Jehova bilang ang tanging tunay na Diyos at Bukal ng kaligtasan ay hindi mapapahiya.​—2:12-27.

Ang ating kaligtasan ay depende rin sa may-pananampalatayang pananawagan sa pangalan ni Jehova. Bago sumapit “ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova,” ‘ibubuhos [ng Diyos] ang kaniyang espiritu sa bawat uri ng laman.’ Bata at matanda, lalaki at babae, ay magsisipanghula. Sa gayon, marami ang makaaalam na ‘sinumang tumawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.’​—2:28-32.

Paghuhukom sa mga Bansa

Ililigtas ni Jehova ang kaniyang tapat na bayan pagka siya’y naghukom sa mga bansa. (Ihambing ang Ezekiel 38:18-23; Apocalipsis 16:14-16.) Ang Tiro, Sidon, at Filistia ay magbabayad sa pag-api sa bayan ng Diyos at pagbibili sa kanila sa pagkaalipin. Ibabalik ni Jehova ang mga bihag ng Juda at Jerusalem, at kaniyang hinahamon ang kaniyang mga kaaway, na nagsasabi: “Banalin ninyo ang digmaan!” Subalit sila’y walang-walang laban sa Diyos, na lumilipol sa kanila sa simbolikong “mababang kapatagan ni Jehosapat.” Bagaman mayanig ang langit at ang lupa, si Jehova ay magiging kanlungan ng kaniyang bayan. Ang mga tapat ay makaliligtas sa paghuhukom sa mga bansa at magtatamo ng kasiya-siyang buhay sa ilalim ng mga kalagayang malaparaiso.​—3:1-21.

Mga aral na dapat tandaan: Ang pagsisisi ay kailangan na gawin bago pa man kung nais ng isang tao na maligtas sa panahon ng kakila-kilabot na araw ni Jehova. Ang pagkamalapit ng araw na iyan ay dapat magpakilos sa atin na gumawa ng mga gawang kabanalan at maka-Diyos na mga gawain. Mangyari pa, ang ating kaligtasan ay depende sa pagkilala na si Jehova lamang ang Diyos. At kung tayo’y may lakip-pananampalatayang tatawag sa kaniyang pangalan, kaniyang ililigtas tayo pagka hinukuman na niya ang mga bansa.

Ang hula ni Joel ay nagbibigay sa atin ng higit pang mga dapat pag-isipan. Aba, “ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova” ay napipinto na! Ang sangkatauhan ay kailangang bigyan ng babala. Katulad ng mga balang sa hula ni Joel, sinasalanta ng mga Saksi ni Jehova ang Sangkakristiyanuhan sa pamamagitan ng walang lubay na pagbubunyag ng kaniyang pagiging baog sa espirituwal. Ito’y pumupukaw ng galit at pagsalansang ng kaniyang mga lider, subalit anumang tulad-pader na mga balakid na sinusubok nilang ilagay sa landas ng simbolikong mga balang ay walang kabuluhan. Ang espiritu ni Jehova ay ibinuhos na niya sa kaniyang bayan, at sinangkapan sila na ibalita ang kaniyang paghuhukom. Kung gayon, sa maikling panahong natitira bago sumapit ang kakila-kilabot na araw ng Diyos, tayo’y magkaroon sana ng puspusang bahagi sa pagtulong sa iba na ‘tumawag sa pangalan ni Jehova upang maligtas.’

[Kahon sa pahina 30]

MGA TEKSTO SA BIBLIYA NA SINURI

○ 1:2​—Ang kinakausap ni Joel ay ang “nakatatandang mga lalaki” na umakay sa bansa sa maling landas. Yamang ang “mga mananahan sa lupain” ay sumunod sa mga maling tagaakay na iyon, sila man ay may sagutin sa harap ni Jehova. Sa ngayon, ang mga relihiyosong lider ng Sangkakristiyanuhan ay umakay rin sa maling landas sa kanilang mga kawan. Tulad ni Joel, ang mga Saksi ni Jehova ay nagpahatid ng mga mensahe sa uring klerong iyan. Gayunman, sa mga tao sa pangkalahatan ay kailangan ding maihayag sa kanila ang Salita ng Diyos sapagkat sila man ay mananagot kay Jehova.​—Isaias 9:15-17; Roma 14:12.

○ 2:1-10, 28​—Ang mga Israelita ay binabalaan na kung sila’y susuway sa Diyos, ang kanilang mga pananim ay lalamunin ng mga balang at ng iba pang mga insekto. (Deuteronomio 28:38-45) Yamang sa Kasulatan ay walang nakaulat na paglusob ng mga insekto sa Canaan sa lawak na binanggit ni Joel, ang salot na kaniyang inilahad ay maliwanag na may inilalarawan. Nagliliwanag, na ang hula ay nagsimulang natupad noong Pentecostes 33 C.E., nang pasimulan ni Jehova na ‘ibuhos ang kaniyang espiritu’ sa mga tagasunod ni Jesus, nang kanilang pahirapan ang mga huwad na relihiyonista ng kanilang bigay-Diyos na mensahe. (Gawa 2:1, 14-21; 5:27-29) Ngayon ang mga Saksi ni Jehova ay nagsasagawa ng isang nahahawig na gawaing pagwawasak.

○ 2:12, 13​—Noong sinaunang panahon, ang paghapak ng isang tao ng kaniyang damit ay isang panlabas na pagpapahayag ng dalamhati. (Genesis 37:29, 30; 44:13) Subalit ito’y maaaring gawin sa paraan na di-taimtim, mapagpaimbabaw. Nililinaw ni Joel na ang panlabas na pagpapakita ng kalungkutan ay hindi sapat. Ang kailangan ng mga tao ay ‘hapakin ang kanilang mga puso’ sa pamamagitan ng pagpapakita ng taos-pusong pagsisisi.

○ 2:31, 32​—Si Jehova ay naglaan ng pagkaligtas buhat sa pagkapuksa para sa mga tapat noong panahon ni Joel. Ngayon, sa “mga huling araw” na ito, pinapangyayari ng Diyos na makamit ang kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. (2 Timoteo 3:1; Roma 5:8, 12; 6:23) Subalit, sa pangalan ni Jehova kailangang tumawag ang makasalanang mga tao para sila magkamit ng walang-hanggang kaligtasan. Ito’y nangangahulugan ng pagkaalam ng banal na pangalan ng Diyos, ng lubusang paggalang dito, at lubusang paglalagak ng pagtitiwala sa Isang may pangalang ito. Yaong mga tumatawag nang may pananampalataya sa pangalan ni Jehova “ay maliligtas” pagka hinukuman na ng Diyos ang mga bansa sa panahon ng kaniyang “dakila at kakila-kilabot na araw.”​—Zefanias 2:2, 3; 3:12; Roma 10:11-13.

○ 3:2, 14​—Ang simbolikong dako para sa paghuhukom ng Diyos sa “araw ni Jehova” na tinatawag na “ang libis ng pasiya.” Ito’y tinatawag din na “ang libis ni Jehosapat.” Ito ay angkop, yamang ang pangalang Jehosapat ay nangangahulugang “Si Jehova Ay Hukom.” Noong panahon ng paghahari ni Haring Jehosapat, ang Juda at Jerusalem ay iniligtas ng Diyos buhat sa mga hukbo ng Moab, Ammon, at ng bulubunduking dako ng Seir, anupa’t sila’y nagkagulu-gulo at nagpatayan sa isa’t isa. (2 Cronica 20:1-30) Sa panahon natin, “ang libis ni Jehosapat” ay nagsisilbing isang simbolikong pisaan ng ubas na kung saan ang mga bansa ay dinudurog na mistulang mga ubas dahil sa pang-aapi sa bayan ng Diyos.

○ 3:6​—Ang Tiro, Sidon, at Filistia ay nagkasala ng pagbibili ng mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa pagkaalipin sa mga Griego. Baka ang nangyari, may mga Judiong nabihag ng mga ibang bansa na napasa-kamay ng mga taga-Tiro, taga-Sidon, at taga-Filistia na mga namimili ng mga alipin. Ang lalo pang masama, baka ginawang alipin ng mga bansang ito ang mga Judio na pumaroon sa kanila upang kumanlong buhat sa kanilang mga kaaway. Anuman ang nangyari, ang mga nangangalakal na iyon ng buhay ng tao ay pinapanagot ng Diyos dahil sa pag-api sa kaniyang bayan. Ipinakikita nito kung ano ang naghihintay sa mga bansa na umuusig sa mga Saksi ni Jehova sa ngayon.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

Pictorial Archive (New Eastern History) Est.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share