Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 4/15 p. 28
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Paglutas sa Krimen
  • Sino ang Dapat Managot?
  • Isang Tunay na Salarin
  • Ano ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Galit?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Pagsupil sa Galit—Mo at ng Iba
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Ang Galit—Ano Ito?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Pigilin ang Iyong Galit!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 4/15 p. 28

Ang Kahulugan ng mga Balita

Paglutas sa Krimen

Sa kabila ng mga pangako ng kumakampanyang mga pulitiko na magbigay ng lalong maiinam na mga batas tungkol sa krimen sa Estados Unidos, inamin kamakailan ng ABA (American Bar Association) na ang krimen ay hindi masupil at na ang sistema ng hustisya sa krimen ay talagang walang kayang gawin iyon. Tinaya ng ABA na 34 na milyong krimen ang naganap noong 1986, subalit isiniwalat ng ginawang pag-aaral ng federal na mga autoridad na “mga ilang daang libo lamang ang humantong sa pagkabilanggo ng mga nagkasala,” ayon sa ulat ng The New York Times. Bukod dito, inamin ng ABA na karamihan ng mga krimen ay hindi iniuulat sa pulisya. Sa kabila nito, ang mga bilangguan ay nagpuputok sa dami ng mga napipiit doon, at bumabaha sa mga hukuman ang mga kasong kriminal. Inamin sa pag-aaral na iyon na “hindi talagang maasahan na ang higit pang pagsasakdal at pagbibilanggo ay makasusupil sa krimen,” ang sabi ng Times.

Bagaman para sa bigong mga mamamayan ay nakagigitla ang ganitong pag-amin, hindi gayon ang damdamin ng may kaalamang mga nag-aaral ng Bibliya. Daan-daang taon na ngayon ang nakalipas nang ihula ni apostol Pablo na sa “mga huling araw” ng kasalukuyang pamamalakad, “ang mga taong balakyot . . . ay sásamâ nang sásamâ.” (2 Timoteo 3:1, 13) Gayunman, ang hindi magagawa ng tao, ay magagawa ng Diyos. Kaniyang ipinangako na ang balakyot “ay lilipulin sa mismong lupa.”​—Kawikaan 2:22.

Sino ang Dapat Managot?

Nang ang Pan American World Airways flight 103 ay sumabog sa kaitaasan ng Lockerbie, Scotland, noong nakaraang Disyembre, lahat ng 258 pasahero ay nangasawi. Labing-isang mga mamamayan ng Lockerbie ay nangasawi rin nang ang mga parte ng sumabog na eruplano ay bumagsak sa maraming mga naninirahan doon. Mga mahal sa buhay na nangapahamak sa nakagigitlang kasakunaang iyon sa itaas ang tinangisan ng mga kamag-anak at mga kaibigan. Ang Diyos ba ang dapat managot sa kapahamakang ito?

Isang obispong Katoliko sa Scotland ang waring ganoon ang akala. Alinsunod sa The New York Times, sinabi niya sa kaniyang sermon sa Simbahang Katoliko ng Santisima Trinidad: “Ama, kung Ikaw ay Diyos ng pag-ibig, bakit Mo pinayagang mangyari ito? Bakit Mo pinayagang mapahamak ang daan-daang inosenteng mga buhay? . . . At bakit Mo pinayagang napakaraming tao ang dumanas ng malupit, nakalulunos na pasanin ng pamimighati?”

Ang Diyos nga ba ang talagang masisisi sa gayong pagdurusa? Alinsunod sa mga imbestigador, nakakita ng ebidensiya sa mga labí ng bumagsak na eruplano na iyon ay sinabotahe ng bomba ng isang terorista. Sa paglalaban-laban ng mga tao upang itaguyod ang kanilang sariling masakim na mga intereses, ang Diyos ba ang dapat managot sa pinsalang maaaring idulot niyaon sa iba? Hindi! Maasahan na ang mga tao ay hindi malilibre sa mga ibubunga ng kanilang ginagawa. Si apostol Pablo ay sumulat: “Anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang aanihin niya.” (Galacia 6:7) At siyanga pala, tungkol sa inosenteng mga biktima ng malupit at iresponsableng mga gawain ng iba, ang Eclesiastes 9:11 ay nagsasabi na “ang panahon at di-inaasahang pangyayari ay dumarating sa kanilang lahat.” Samakatuwid, ang isang tao ay maaaring masaktan o mawalan pa nga ng kaniyang buhay, hindi dahil sa ibig ng Diyos na dumanas niyaon ang tao kundi dahilan sa, nagkataon, siya ay nasa maling lugar sa delikadong panahong iyon.

Isang Tunay na Salarin

Ang mga dalubhasa ay matagal nang may paniwala na ang mga taong agresibo at laging nagmamadali ang pangunahing tinatamaan ng atake sa puso. Subalit ngayon, isang bagong ebidensiya ang nagpapahiwatig na ang galit, hindi ang kawalang pagtitiis ang marahil siyang tunay na salarin. Sang-ayon kay Dr. Redford Williams, Jr., ng Duke University Medical Center, ang pagmamadali o pagiging mapagbabád sa trabaho ay “hindi naman laging nakasásamâ sa iyong puso,” ayon sa pag-uulat ng New York Post. Binanggit ni Williams na “ang masama ay kung mapootin at magagalitin ka at hindi mo pinagsisikapan na ikubli iyon pagka nakikitungo sa mga ibang tao.” Yaong mga may malaking peligro na atakihin sa puso ay yaon daw mga taong “madaling mahila ng silakbo ng galit” at walang tiwala sa mga hangarin ng iba. “Sila’y malimit na nagagalit at agad ipinakikita ang kanilang galit, imbes na pigilin iyon sa kanilang kalooban,” ang sabi pa ng Post.

Ang masasamang epekto ng galit ay malaon nang alam ng mga nag-aaral ng Bibliya. Daan-daang taon na ang lumipas nang sumulat ang pantas na si Haring Solomon: “Siyang madaling magalit ay gagawang may kamangmangan” at “ang taong nagagalit ay pinagmumulan ng away.” Subalit, ang isang taong “mabagal sa pagkagalit ay pumapayapa ng pag-aaway.” (Kawikaan 14:17; 15:18) Yaong mga pantas na sumusunod sa payong ito ng Bibliya ay marahil may mas maliit na peligrong tamaan ng sakit sa puso. Ang Salita ng Diyos ay totoo: “Ang kalmadong puso ay siyang buhay ng katawan, ngunit ang pagkainggit ay kabulukan ng mga buto.”​—Kawikaan 14:30.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share