Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 7/15 p. 31
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Katoliko at ang Bautismo
  • Mga Salitang Hindi Narinig Kailanman
  • Mga Asawang Lalaki—Kilalanin ang Pagkaulo ni Kristo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Bautismo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bautismo​—Isang Napakagandang Goal!
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Bautismo—Kahilingan Para sa mga Kristiyano
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 7/15 p. 31

Ang Kahulugan ng mga Balita

Ang mga Katoliko at ang Bautismo

Parami nang paraming mga adulto ang binabautismuhan ng Iglesya Katolika sa Pransiya, ayon sa pag-uulat ng Le Monde, isang pahayagang Pranses. Sa katunayan, sinasabi ng pahayagan na “ang bilang ay nadoble noong nakalipas na apat na taon.” Mahigit na 4,000 mga adultong Pranses na naghahangad na maging bautismadong Katoliko ang nag-aaral sa mga klase para sa pagpapabautismo. Dalawang-katlo ang mga babae na nasa pagitan ng edad na 20 at 40. Isang-kaapat na bahagi ang hindi Pranses.

Datapuwat, ang paghahanda para sa bautismo ng isang adulto ay maaaring tumagal ng dalawa o tatlong taon. Ang paring si Guy Cordonnier, na siyang nangangasiwa sa gayong mga klase sa bautismo sa lugar ng Versailles, ay nagsabi: “Upang mabautismuhan, hindi sapat ang magsabi na ang isa’y naniniwala sa Diyos. Kailangan na matutong mamuhay sa loob ng isang sambayanan.”

Kung sa bagay, ang bautismo ng adulto ay hindi na bago. Si Jesus mismo ay nabautismuhan sa edad na 30 anyos. Hindi rin bago ang bagay na higit pa sa paniniwala sa Diyos ang kailangan para sa bautismo. Ang utos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod ay “gumawa ng mga alagad . . . , bautismuhan sila” at “turuan” sila na ganapin ang kaniyang mga utos.​—Mateo 28:19, 20.

Gayunman, yamang daan-daang taon nang ginagawa ng Iglesya Katolika ang pagbabautismo sa sanggol, ang paninindigan ng simbahan tungkol sa pagbabautismo sa mga adulto ay isang kabalighuan. Sang-ayon sa mga autoridad ng simbahan dalawa o higit pang mga taon ang kailangan upang maihanda ang isang adulto para sa bautismo, gayunman ay sinasabi nila na angkop ang pagbabautismo sa sanggol. Sinasabi nila na sa bautismo’y nalilinis ang mga sanggol buhat sa minanang kasalanan, subalit si apostol Juan ay sumulat: “Ang dugo ni Jesus . . . ang lumilinis sa atin buhat sa lahat ng kasalanan.” (1 Juan 1:7) Yamang ang mga sanggol ay hindi maaaring makasampalataya sa Diyos at sa itinigis na dugo ni Kristo, bakit sila babautismuhan?

Mga Salitang Hindi Narinig Kailanman

Halos kalahati ng 3,800 mga asawang babaing sinurbey ng isang kompanyang Hapones sa seguro ang “hindi nakarinig ng mga salitang ‘iniibig kita’ buhat sa kani-kanilang asawang lalaki sa lumipas na mga taon,” ayon sa pag-uulat ng The Daily Yomiuri. Ang persentahe ng mga asawang babaing hindi nakarinig ng mga salitang ito ay lumalaki habang tumataas ang edad, at sa mga babaing nasa kanilang ika-50 anyos pataas, isang nakapagtatakang 82 porsiyento ang nagsabi na kailanma’y hindi nila narinig ang mga salitang ito buhat sa kani-kanilang mga asawang lalaki. Kahit na sa mga asawang babae na edad 20 pataas, 10 porsiyento lamang ang nakaririnig sa kani-kanilang asawa ng pagbigkas sa mga salitang ito araw-araw.

Sa kuwento ng pag-ibig ng pantas na si Haring Solomon tungkol sa isang binatang pastol at isang magandang dalagang-bukid na galing sa sinaunang siyudad ng Shunem, sa pamamagitan ng “mga kapahayagan ng pagmamahal” nakamit ng binata ang pag-ibig ng dalaga. (Awit ni Solomon 1:2) Minsang nakamit ng mga lalaki ang pag-ibig ng kani-kanilang asawa, kailangan pa bang ipahayag nila ang kanilang pagmamahal? Oo! Ang Bibliya ay nagpapayo: “Mga lalaki, patuloy na ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng Kristo na umibig sa kongregasyon at ibinigay ang kaniyang sarili alang-alang doon.”​—Efeso 5:25.

Noong gabing siya’y ipagkanulo, paulit-ulit na ipinahayag ni Jesus ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang mga alagad. (Juan 13:34; 14:19-21; 15:9, 10, 12) Dapat isaalang-alang ng lalaki na dapat niyang bigyan ng kasiguruhan ang kaniyang asawa na ito’y kaniyang minamahal. Tandaan din ng mga asawang lalaki na ‘ibinigay [ni Kristo] ang kaniyang sarili alang-alang sa kongregasyon.’ Samakatuwid, ang kaniyang pag-ibig ay ipinahayag niya sa pamamagitan ng salita at ng gawa. Maliwanag, si Kristo ang dapat tularan bilang halimbawa ng mga asawang lalaki.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share