Siya’y Nabighani
Samantalang siya’y nagbibiyahe sa New York subway noong nakaraang tagsibol, isang kabataang babae ang nagbabasa ng aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Ang lalaking nakaupo kasunod niya ay nakapansin sa aklat, at sa pagbubuklat ng babae ng mga pahina, ang lalaking ito ay nabighani sa nakatatawag-pansin na mga larawan. “Oh, ang aklat na iyan ay tiyak na kawili-wiling basahin!” ang sabi niya.
“Opo,” ang tugon naman ng babae. “Ipinaliliwanag po nito ang aklat ng Bibliya na Apocalipsis, kabanata por kabanata.”
“Papaano kaya ako magkakaroon ng isa niyan?” ang tanong ng lalaki na ibig makaalam.
“Kayo’y makakakuha buhat sa mga Saksi ni Jehova,” ang tugon ng babae. Ngunit siya’y nagpatuloy pa: “Alam po ninyo, ang aking kopyang ito ay bago, at ito’y ₱42 lamang, kaya’t puwede itong mapasainyo.”
Agad-agad na kumuha siya ng pera sa kaniyang bulsa at tinanggap ang aklat. Sa dikawasa, huminto ang tren, at siya’y nagmamadaling umibis.
Ang kabigha-bighaning pinabalatang aklat na ito, na ang mga pahina’y sinlaki ng sa magasing ito, ay tumatalakay talata por talata sa buong aklat ng Apocalipsis sa Bibliya. Ito’y may isang malinaw, may lohikang pagpapakilala kung sino ang mababangis na hayop, ang dragon, ang dakilang patutot, at ang iba pang simbolismo sa Apocalipsis. Makikita mo ang kahulugan para sa ating kaarawan. Pumidido ka na ngayon.
Pakisuyong padalhan po ako, libre-bayad sa koreo, ng 320-pahinang aklat na Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito! Ako’y naglakip ng ₱42.