Nananabik Ka ba sa Panahon na . . .
□ ikaw ay ligtas at tiwasay sa iyong tahanan—anumang oras sa maghapon?
□ hindi na kakailanganin ang mga kandado, rehas, alarma, mga silipang-butas, bakod, guwardiya, mga asong bantay, at iba pang mga paraan na ukol sa katiwasayan?
□ ikaw ay makalalakad sa mga kalye nang mag-isa ngunit walang anumang panganib, kahit na kung gabi?
□ ang ipinagbabawal na mga gamot at lahat ng mga suliraning kaugnay nito ay isa na lamang lumipas na alaala?
□ lahat ng digmaan ay wala na, at ang mga armas ay wala na ring gagawa ni magtatalaksan man?
□ ikaw ay hindi na mag-aalala tungkol sa pagkain, hangin, at tubig na apektado ng polusyon?
□ ang terorismo, ang pangho-hostage, at mga banta ng pagpapasabog ng bomba ay lubusang mawawala na?
□ ang likas na kayamanan ng lupa ay maiingatan, mapananatili, at gagamitin nang may kapantasan para sa ikabubuti ng lahat?
□ ang kasakiman at kaimbutan ay hindi na siyang nasa likod ng motibo ng sangkatauhan?
□ ang mga bata ay mananatili sa kanilang kawalang-malay at magiging magalangin sa iba at sa kanilang ari-arian?
□ ang mga babae ay hindi na aapihin at bibiktimahin?
□ ang mga batas at mga regulasyon ay magiging makatarungan at isasakatuparan nang may katarungan sa ikabubuti ng lahat?
□ ang pamahalaan ay magpapasiya salig sa tunay na mga pangangailangan at hindi salig sa pulitika?
□ ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ay hindi lamang ipangangaral kundi susundin na rin?
□ ang karalitaan ay wala na, kundi lahat ay magkakaroon ng anumang kailangan para sa kanilang kalusugan, ikabubuti, at ikaliligaya?
□ ang mga anak ay mamahalin at aasikasuhin at hindi aabusuhin o pababayaan?
□ ang sakit at kamatayan ay napagtagumpayan na, at wala na ang kakila-kilabot na mga salot?
□ lahat ng masalubong mo ay mga taong mababait, matulungin, at mapagkakatiwalaan?
□ ang buhay ng bawat isa ay tunay na mamahalagahin, at lahat ay makasusumpong ng walang-hanggang kaligayahan?
□ ang relihiyon ay hindi na magsisilbing tagapagbaha-bahagi, na humahantong sa pagkapanatiko, pagkapoot, at mga digmaan?
□ ang lahat ay magkakaroon ng sapat at kaaya-ayang mga dakong titirahan, at ang kawalang-tahanan ay nalibing na sa limot?
Kung ang sagot mo ay oo sa alinman sa binanggit na, ikaw ay magiging interesado sa pagbabasa ng sumusunod na mga artikulo.