Nang Mamatay ang Kaniyang Lolo
Isang ina na taga-Virginia Beach, Virginia, ang sumulat nang nagsisimula ang taóng ito: “Noong nakaraang buwan ay namatay ang aking ama. Siya at ang aking bunsong anak na lalaki ay totoong malapít, sa kabila ng kalayuan nila sa isa’t isa. Nang siya’y patalastasan na ang kaniyang lolo ay namatay, siya’y malungkot na umiyak.
“Agad hinanap ko ang tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? Pagkakitang-pagkakita ko roon, habang basa pa ng luha ang kaniyang mukha, aking binasa iyon sa kaniya. Nang matapos, medyo tumahimik siya. Salamat po para sa gayong mahalagang impormasyon, na totoong kailangan sa gayong masakit na mga sandali.”
Matatanggap mo ang ganitong nakaaaliw na tract, kasama ng mga iba pa, kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Ibig ko pong makatanggap ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? kasama ng mga iba pa. (Sumulat sa direksiyon sa ibaba para sa impormasyon. Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa lokal na sangay ng Watch Tower para sa impormasyon. Tingnan ang pahina 2.)