Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w90 10/1 p. 6-7
  • Isang Bagong Sanlibutan ang Malapit Na!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Bagong Sanlibutan ang Malapit Na!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Apocalipsis 21:4—“Papahirin Niya ang Bawat Luha”
    Paliwanag sa mga Teksto sa Bibliya
  • Malapit Na ang Isang Daigdig na Walang Digmaan
    Gumising!—1996
  • Isang Daigdig na Taglay ang Lahat ng Lunas
    Gumising!—1985
  • Mga Huling Araw—Ano ang Kasunod Nito?
    Gumising!—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
w90 10/1 p. 6-7

Isang Bagong Sanlibutan ang Malapit Na!

MARAMING mga mungkahi para sa paglunas sa mga suliranin ng daigdig. Sa pangkalahatan, ang mga iyan ay nangangailangan ng panahon at pagtutulungan, gayundin ng isang pambihirang nagkakaisang pagsisikap ng lahat ng bansa sa buong daigdig. May paniwala na habang lumalala ang mga kalagayan, dahil sa pangangailangan ng kaligtasan ng isa’t isa ay napipilitan ang mga bansa na muling suriin ang kanilang paglalagay sa kung alin ang dapat unahin at gumawang sama-sama upang bumuo ng isang bago at magtatagal na sanlibutan. Nakikini-kinita na ang mga badyet militar ay babawasan nang malaki upang gamitin ang mga kabawasang iyon sa mga bagay na nagsasapanganib ng kapaligiran at na, gaya ng sinasabi sa State of the World 1990, “imbis na panatilihin ang kanilang sariling malalaking pandepensang establisimiyento, ang mga pamahalaan ay baka doon umasa sa isang lubhang pinalawak at pinalakas na puwersa ng U.N. sa pagpapairal ng kapayapaan, na magkakaroon ng lakas at kapangyarihan na ipagtanggol ang ano mang miyembrong bansa laban sa isang manlulupig.”

Ngunit ang ganiyang mga plano ay totoong malayo na magdala ng mga kalagayang pinananabikan na inisa-isa sa ating pambungad na mga pahina. Ang hamak na mga estratehiya ng tao ay sa anumang paraan hindi makagagamot sa tao sa kaniyang pagkamakasalanan at kasakiman; ang mga ito ay hindi makaaalis ng pagtatangi at ng alitan ng mga tribo; ang mga ito ay hindi makapagtatanim ng walang-imbot na pag-ibig sa gitna ng lahat ng tao; ni hindi rin makagagarantiya ang mga ito na wawakasan ang sakit at kamatayan. Ang krimen ay hindi mabisang masusugpo, ni binabanggit man ang pananagumpay sa mga hidwaang pangrelihiyon at ang mga pagkakapootan. Ang pag-aalis ng likas na mga kapahamakan ay hindi man lamang maaaring isaalang-alang. Ang nasyonalismo, na may potensiyal para sa paglikha ng mga suliranin, ay tinutulutang manatili. Kung gayon, nakalulungkot na sabihing ang mga tao ay bigo ng paghaharap ng isang praktikal na solusyon.

Gayunman, may isang solusyon! Oo, lahat ng mga bagay na ito na pinananabikan ng sangkatauhan ay ipinangako, at ang pangako ay buhat sa Diyos “na hindi magsisinungaling.” (Tito 1:2) Alam na alam niya ang gagawin, at taglay niya ang karunungan, ang kapangyarihan, at ang kakayahan na maisakatuparan ang kaniyang ipinangako.​—Apocalipsis 7:12; 19:1.

Ang Diyos ay nangangako: “Sapagkat sandali na lamang, at ang balakyot ay mawawala na; at iyong uusisaing mainam ang kaniyang dako, at siya’y mawawala na. Ngunit ang maaamo ay magmamana ng lupain, at sila’y lubusang masasayahan sa kasaganaan ng kapayapaan.”​—Awit 37:10, 11.

Papaano ito maisasakatuparan? Ang Isaias 11:9 ang sumasagot: “Sila’y hindi mananakit o lilikha ng anumang pinsala sa aking buong banal na bundok; sapagkat ang lupa ay mapupuno nga ng kaalaman tungkol kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa mismong dagat.” Oo, lahat ng tao ay tuturuan ng “kaalaman tungkol kay Jehova,” at sinumang tatangging sumunod ay hindi tutulutang manatili at sirain ang kapayapaan ng iba. Ang ating magandang lupa ay hindi na sisirain.

“Masdan ang mga gawain ni Jehova . . . Pinatitigil niya ang mga digmaan hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa,” ang pangako ng Awit 46:8, 9. (Tingnan din ang Mikas 4:3, 4.) Ang isang mahalagang salik sa pangglobong kapayapaang ito ay ang wakasan ang mga hidwaang pambansa. Ang pagtutulungan ay tiyak, sapagkat iisa lamang na pamahalaan ang iiral sa buong daigdig​—yaong sa Diyos. At ang kaniyang pamahalaan ay isang Kaharian “na hindi magigiba kailanman.” (Daniel 2:44) Isa pa, ang Hari nito ay ang binuhay-muli, walang-kamatayang si Jesu-Kristo, na ang pamamahala ay magaganap sa pamamagitan ng katarungan at katuwiran.​—Isaias 9:6, 7; 32:1.

Ngunit ito kaya ay masisira dahil sa likas na di-kasakdalan ng tao at magpapatuloy pa rin ang sakit, karamdaman, dalamhati, at kamatayan? Hindi, sapagkat ang mga ito man ay lilipas. Ang Apocalipsis 21:4 ay nagbibigay sa atin ng katiyakan: “At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng dalamhati man o ng hirap pa man. Ang mga dating bagay ay naparam na.” Ang minanang kasalanan ay patatawarin salig sa haing pantubos na inihandog ni Jesus, at ang sangkatauhan ay isasauli sa kasakdalan. (Roma 6:23; Efeso 1:7) At sino ang higit na makasusupil ng mga puwersa ng kalikasan upang huwag makapinsala sa sangkatauhan kundi ang kanilang Manlalalang?​—Awit 148:5-8; Isaias 30:30.

Ang mga bagay na ngayo’y pag-asa lamang at pangarap ng tao, ang mga ito ay gaganapin ng Diyos. Ngunit kailan? Ipinakikita ng hula sa Bibliya na ang mga pagbabago ay darating sa panahong “nagagalit” ang mga bansa at ang tao ay “nagpapahamak sa lupa.” (Apocalipsis 11:18) Ang mga huling araw ng matandang sanlibutan ay “maselang na mga panahong mahirap pakitungahan”​—ang resulta’y ang lumalalang kalagayan na nakikita natin sa palibot sa mismong sandaling ito. (2 Timoteo 3:1-5, 13) At inihula ni Jesus na ang salinlahing nakasasaksi ng gayong mga bagay ang salinlahi na makakakita ng katuparan ng mga pangako ng Diyos.​—Mateo 24:3-14, 32-34.

Gumugol ka ng panahon upang suriin ang mga pangakong iyan na nakasulat sa Bibliya. Sapagkat sa puntong ito, kapuwa ang mga taong may kaalaman at ang Diyos ay nagkakaisa: Ngayon na ang panahon para sa isang bagong sanlibutan!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share