Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 2/15 p. 3-4
  • Ang Pagsamba sa mga Larawan—Isang Tunggalian

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagsamba sa mga Larawan—Isang Tunggalian
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Ikonoklasta
  • Ang mga Larawan ba’y Higit na Makapaglalapit sa Iyo sa Diyos?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Mga Imahen
    Gumising!—2014
  • Ang Pagkakilala ng mga Kristiyano sa mga Imahen
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Dapat Bang Gumamit ng mga Imahen sa Pagsamba sa Diyos?
    Gumising!—2008
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 2/15 p. 3-4

Ang Pagsamba sa mga Larawan​—Isang Tunggalian

SA ISANG lugar sa Polandiya, isang lalaki ang medyo handa nang maglakbay. Subalit, kailangan pa niyang asikasuhin ang isang importanteng detalye. Siya’y lumuhod sa isang larawan ni Jesus, gumawa ng paghahandog, at nanalangin para bigyan siya ng proteksiyon samantalang siya’y naglalakbay.

Libu-libong milya ang layo, sa Bangkok, Thailand, masasaksihan mo ang unang kapistahan ng taunang siklong Buddhista, pagka nasa kabilugan ng buwan kung Mayo. Sa kapistahan isang larawan ng Buddha ang ipinagpuprusisyon sa mga kalye.

Tiyak na alam mo na ang pagsamba sa mga larawan, gaya ng kasasalaysay lamang, ay laganap. Literal na bilyun-bilyong mga tao ang yumuyuko sa mga larawan o imahen. Sa loob ng libu-libong taon ang mga larawan ay itinuring na isang mahalagang paraan upang lalong maging malapít sa Diyos.

Ano ba ang nasa isip mo tungkol sa paggamit ng mga larawan sa pagsamba? Ang pagsamba ba sa mga imahen ay tama o mali? Ano ang palagay ng Diyos tungkol dito? Mayroon bang anumang katibayan na tinatanggap niya ang gayong pagsamba? Marahil sa sarili mo’y hindi mo nabigyan kailanman nang malaking pag-iisip ang ganiyang mga katanungan. Subalit, kung minamahalaga mo ang isang kaugnayan sa Diyos, kailangang makamit mo ang mga kasagutan sa mga iyan.

Aaminin nga, na para sa mga marami ito ay hindi isang madaling bagay na pagpasiyahan. Sa katunayan, ito ang naging paksa ng mainitan at mararahas na mga tunggalian sa loob ng libu-libong taon. Halimbawa, noong taóng 1513 B.C.E., winasak ng lider ng mga Hebreo na si Moises ang isang ginintuang imahen ng isang baka at kaniyang pinaslang ng tabak ang mga 3,000 katao na sumamba roon.​—Exodo, kabanata 32.

Ang matinding pagtutol sa paggamit ng relihiyosong mga imahen ay hindi lamang matatagpuan sa mga Judio. Iningatan ng sinaunang mga historyador ng sanlibutan ang alamat ni Takhmūrūp, isang pinunò ng Persiya na sinasabing gumawa ng isang malawakang mga krusada laban sa pagsamba sa mga imahen daan-daang mga taon bago pa kay Moises. Sa Tsina isang sinaunang hari na nabuhay raw noong unang panahon ang iniulat na naglunsad ng isang panghukbong pag-atake sa mga rebulto ng iba’t ibang mga diyos. Pagkatapos na mawasak ang mga imahen, kaniyang itinakwil bilang kamangmangan ang pagsamba sa mga diyos na yari sa putik. Pagkatapos, nang si Muhammad ay isa lamang bata, may mga Arabo na salungat sa paggamit ng mga larawan sa pagsamba. Ang kanilang impluwensiya kay Muhammad ang may nagawa sa kaniyang paninindigan tungkol sa idolatriya noong nakalipas na mga taon. Sa Koran, itinuturo ni Muhammad na ang idolatriya ay isang kasalanan na di-maaaring patawarin, na ang mga sumasamba sa idolo ay hindi kailangang ipanalangin, at na ibinabawal ang pag-aasawa sa mga sumasamba sa mga idolo.

Maging sa Sangkakristiyanuhan man prominenteng mga taong relihiyoso noong ikalawa, ikatlo, ikaapat, at ikalimang mga siglo C.E., tulad halimbawa ni Irenaeus, Origen, Eusebius ng Ceasarea, Epiphanius, at Augustine, ang sumalungat sa paggamit ng mga imahen sa pagsamba. Noong may dakong pasimula ng ikaapat na siglo C.E., sa Elvira, Espanya, isang grupo ng mga obispo ang bumuo ng ilang importanteng mga resolusyon laban sa pagsamba sa mga larawan. Ang tanyag na Konsilyo ng Elvira ay nagbunga ng pagbabawal ng mga imahen sa mga simbahan at ng pagtatatag ng mahihigpit na mga kaparusahan laban sa mga sumasamba sa imahen.

Ang mga Ikonoklasta

Ang mga kaganapang ito ang naghanda ng mga tanawin para sa isa sa pinakamalaking hidwaan sa kasaysayan: ang ikonoklastikong hidwaan noong ikawalo at ikasiyam na mga siglo. Isang historyador ang nagsabi na “ang mahigpit na hidwaang ito ay tumagal nang isang siglo at kalahati, at nagdulot ng di-mailarawang paghihirap” at na ito ang “isa sa dagling mga dahilan ng pagkakahati ng mga imperyong Silangan at Kanluran.”

Ang salitang “ikonoklasta” ay galing sa mga salitang Griego na eikon, na nangangahulugang “imahen,” at klastes, na nangangahulugang “tagasira.” Kaayon ng pangalan nito, kasali sa kilusang ito laban sa mga imahen ang pag-aalis at pagwawasak sa mga imahen sa buong Europa. Maraming mga batas laban sa mga imahen ang ipinatupad upang tapusin na ang paggamit ng mga imahen sa pagsamba. Ang pagsamba sa mga imahen ay naging isang mainitang isyu sa pulitika na humila sa mga emperador at mga papa, mga heneral at mga obispo sa isang halos paglalaban-laban ng mga teologo.

At ito’y hindi lamang paglalaban-laban sa salita. Ang Cyclopedia of Biblical, Theological, and Ecclesiastical Literature, ni McClintock at Strong, ay nagsasabi na pagkatapos na maglabas si Emperador Leo III ng isang utos laban sa paggamit ng mga imahen sa simbahan, ang mga tao ay “bumangon bilang mga masa laban sa utos, at mararahas na mga kaguluhan, lalo na sa Constantinople,” ang naging araw-araw na kaganapan. Ang paglalaban-laban ng mga hukbo ng imperyo at ng mga mamamayan ay nagbunga ng mga pagpatay at ng madudugong pamamaslang. Ang mga monghe ay buong kalupitan na pinag-usig. Daan-daang taon pagkatapos, noong ika-16 na siglo, nagkaroon ng maraming pangmadlang mga debate sa Zurich, Switzerland, sa isyu ng mga imahen sa mga simbahan. Bilang resulta, isang utos na nagpapaalis ng lahat ng mga imahen buhat sa mga simbahan ang pinagtibay. May mga repormistang nakilala sa kanilang matindi at kalimitang marahas na paghatol sa pagsamba sa imahen.

Kahit na sa ngayon ay may malaking hidwaan sa gitna ng modernong mga teologo tungkol sa paggamit ng mga imahen sa pagsamba. Ang susunod na artikulo ay tutulong sa inyo na suriin kung ang mga imahen ay tunay na makatutulong sa tao upang lalong mapalapít sa Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share