Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w92 3/15 p. 32
  • Kayo’y Malugod na Inaanyayahan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kayo’y Malugod na Inaanyayahan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
w92 3/15 p. 32

Kayo’y Malugod na Inaanyayahan

Ang kamatayan ng taong si Jesu-Kristo mahigit na 1,900 taon na ngayon ang lumipas ay isang napakahalagang pangyayari sa kasaysayan. Ito ang nagbukas sa lahat sa atin ng pag-asang makapagtamo ng buhay na walang-hanggan sa ilalim ng mala-Paraisong mga kalagayan. Sa isang simpleng seremonya, si Jesus ay gumamit ng alak at tinapay na walang lebadura bilang mga sagisag ng kaniyang maibiging paghahain bilang isang tao. Pagkatapos ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Patuloy na gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” (Lucas 22:19) Iyo bang aalalahanin ito?

Ang mga Saksi ni Jehova ay buong init na nag-aanyaya sa iyo na makisama sa kanila sa pagganap ng selebrasyong ito sa Memoryal. Ito’y pagkalubog ng araw sa petsa na katumbas ng Nisan 14 ayon sa buwanang kalendaryo sa Bibliya. Ikaw ay makadadalo sa Kingdom Hall na pinakamalapit sa iyong tahanan. Makipag-alam sa mga Saksi ni Jehova sa inyong lugar para sa eksaktong oras at dako. Ang petsa para sa selebrasyon sa 1992 ay sa Biyernes, Abril 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share