Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 7/1 p. 3-4
  • Isang Nababahaging Iglesya—Gaano Kalubha Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Nababahaging Iglesya—Gaano Kalubha Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Kalubha ang Pagkakabaha-bahagi ng Iglesya?
  • Dobleng mga Pamantayan
  • “Hindi Dapat Magkaroon ng mga Pagkakabaha-bahagi sa Gitna Ninyo”
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
  • Bakit ang mga Pagkakabaha-bahagi?
    Gumising!—1990
  • Isang Nababahaging Iglesya—Makapananatili Kaya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Dinalaw ni Papa John Paul ang Naliligalig na Kawan
    Gumising!—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 7/1 p. 3-4

Isang Nababahaging Iglesya​—Gaano Kalubha Ito?

“TULAD ng isang malaki at nagulat na pamilya,na nakatira sa isang gigiray-giray na lumang bahay na biglang naguho ang harapan, waring may away na nagaganap sa halos bawat silid​—na ang mga anak ni Jesus na may hawak na inihahampas na mga tamburin ay sumisigaw sa eleganteng Anglo-Katolikong mga homoseksuwal na may kasuutang sedang itim.”​—The Sunday Times, London, Abril 11, 1993.

Ang pamilyang ito ay ang Church of England. Ang pinag-aawayan ay ang tungkol sa pagtanggap ng mga babae sa pagpapari. Ang malinaw na paglalarawan ng matinding pagkakabaha-bahagi ay kumakapit na rin sa buong Sangkakristiyanuhan. Samantalang ang mga patriyarka ng Iglesya Ortodokso at ang papa ay kumukundena sa desisyon na payagan ang mga babae upang maging mga pari, ang pangkalahatang resulta, ayon sa konklusyon ng isang ulat, ay na “ang pangarap na muling pagkakaisa sa natitirang bahagi ng Sangkakristiyanuhan ay lalong malayo kaysa kailanman.”

Gaano Kalubha ang Pagkakabaha-bahagi ng Iglesya?

Gaya ng mababasa natin sa Mateo 7:21, sinabi ni Jesu-Kristo na marami ang mag-aangking sumasampalataya sa kaniya bilang Panginoon subalit hindi ‘gumagawa ng kalooban ng kaniyang Ama.’ Ganito ang sabi ng magasing Maclean’s: “Ang mga mambabasa ng Mateo na naghahangad ng kaligtasan ay maaaring mapagpaumanhinan sa kalituhan tungkol sa kung ano ang talagang kalooban ng Diyos, kapag ang mga Kristiyano, at ang kani-kanilang iglesya, ay lubhang nagkakaiba-iba sa gayong suliranin.” Pagkatapos magsurbey sa mga taga-Canada, nanghinuha ito na may “napakalaking pagkakaiba sa mga paniniwala at gawain ng mga Kristiyano sa Canada​—higit ang pagkakaiba sa mga miyembro ng anumang denominasyon, sa katunayan, kaysa namamagitan sa mga denominasyon mismo.”

Ayon sa surbey nito, 91 porsiyento ng mga Katoliko ang sang-ayon sa paggamit ng artipisyal na birth control kahit na ibinabawal iyon ng kanilang iglesya; 78 porsiyento ang may palagay na dapat payagang maging mga pari ang mga babae; at 41 porsiyento ang sumasang-ayon sa aborsiyon “sa ilang mga pagkakataon.” Ang pagtatalo sa loob ng mga denominasyon tungkol sa “maraming katanungang teolohiko,” ang sabi ng Maclean’s, “ay nagdiriin sa mga pagkakabaha-bahaging sanhi ng pagkakawatak-watak ng pangunahing mga iglesya.”

Dobleng mga Pamantayan

Dobleng mga pamantayan gayundin ang nagkakasalungatang mga pamantayan ang umiiral tungkol sa moral. Ang ilang tao ay nag-aangking nagtataguyod ng mga simulain ng Bibliya, subalit ang iba ay humahamak sa mga ito. Halimbawa, ang seremonya ba ng “kasal” na ginanap para sa dalawang Tomboy sa Metropolitan Church ng Toronto ay kasuwato ng kalooban ng Diyos? Maliwanag na gayon ang palagay ng mga nakibahagi roon. “Ibig naming ipagdiwang ang aming pag-iibigan nang hayagan at sa harap ng Diyos,” sabi nila.

Isang kolumnista ang nagtanong kung papaano ngang ang “isang arsobispong Katoliko na sa kaniya’y sunud-sunod na reklamo ang idinulog, ay naglipat sa mga paring pedophile sa ibang pangkat ng mga batang sakristan.” Ayon sa paring si Andrew Greeley mula sa 2,000 hanggang sa 4,000 pari ang marahil nang-abuso sa 100,000 biktimang menor de edad, kadalasan ay walang ginawa tungkol doon.

Ang isang nababahaging iglesya ay nagbubunga ng nababahaging mga tao. Sa Balkans, naniniwala ang kapuwa mga “Kristiyanong” taga-Serbia at taga-Croatia na si Kristo ay sumasakanila sa kanilang “makatuwirang” digmaan. Marami ang may suot na krusipiho sa labanan; ang isa, ayon sa ulat, ay “laging taglay ang kaniyang krusipiho sa kaniyang bibig kapag napakatindi ng labanan.”

“Hindi Dapat Magkaroon ng mga Pagkakabaha-bahagi sa Gitna Ninyo”

Totoo, ipinauubaya ng Bibliya sa budhi ang ilang bagay, subalit ito’y hindi dapat mag-iwan ng puwang para sa gayong pagkakabaha-bahagi. Malinaw na sinabi ni apostol Pablo: “Kayong lahat ay dapat magsalita [at kumilos] nang magkakasuwato, at . . . hindi dapat na magkaroon ng mga pagkakabaha-bahagi sa gitna ninyo.”​—1 Corinto 1:10; Efeso 4:15, 16.

Ang taimtim na pagsusuri sa “Kristiyanismo” mga dalawang libong taon matapos isulat ni apostol Pablo ang mga salitang iyan ay nagbabangon ng ilang lubhang seryosong mga tanong. Bakit kaya ang “mga Kristiyano” ay totoong nababahagi? Ang gayon kayang nababahaging iglesya ay makapananatili? Magkakaroon kaya ng isang nagkakaisang Sangkakristiyanuhan? Isasaalang-alang ng susunod na artikulo ang mga tanong na ito.

[Larawan sa pahina 3]

Demonstrasyón ng mga pari laban sa aborsiyon

[Credit Line]

Pabalat at itaas: Eleftherios/Sipa Press

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share