Talaan ng mga Nilalaman
Mayo 15, 2011
Edisyon Para sa Pag-aaral
ARALING ARTIKULO SA LINGGO NG:
Hunyo 27, 2011–Hulyo 3, 2011
Mga Pamilyang Kristiyano—‘Manatiling Gising’
PAHINA 7
Hulyo 4-10, 2011
Mga Pamilyang Kristiyano—“Manatiling Handa”
PAHINA 11
Hulyo 11-17, 2011
Sino ang Pinakamahalaga sa Buhay Mo?
PAHINA 16
Hulyo 18-24, 2011
‘O ang Lalim ng Karunungan ng Diyos!’
PAHINA 21
Hulyo 25-31, 2011
Lubos na Pagtitiwala kay Jehova—Nagdudulot ng Kapanatagan
PAHINA 28
Layunin ng mga Araling Artikulo
ARALING ARTIKULO 1, 2 PAHINA 7-15
Tatalakayin sa unang artikulo ang pananagutan ng bawat miyembro ng pamilyang Kristiyano para makapanatiling gising sa espirituwal. Ipakikita naman sa ikalawang artikulo kung gaano kahalaga sa espirituwalidad ng buong pamilya ang pagpapanatiling simple ng mata, pag-abót sa espirituwal na mga tunguhin, at ang regular na Pampamilyang Pagsamba.
ARALING ARTIKULO 3 PAHINA 16-20
Dapat na si Jehova ang pinakamahalaga sa buhay ng kaniyang mga lingkod. Hinggil dito, itatampok sa artikulo ang mga aral na matututuhan natin sa nangyari sa unang babae na si Eva; sa tapat na si Job; at sa sakdal na Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo.
ARALING ARTIKULO 4 PAHINA 21-25
Sa Roma kabanata 11, may tinukoy si apostol Pablo na isang makasagisag na punong olibo. Saan kumakatawan ang iba’t ibang bahagi ng punong iyon? Habang sinusuri natin ang kahulugan ng mga ito, higit tayong matututo tungkol sa layunin ni Jehova at mapapahanga sa lalim ng kaniyang karunungan.
ARALING ARTIKULO 5 PAHINA 28-32
Tatalakayin dito ang Awit 3 at 4, na kinatha ni Haring David. Ipinakikita ng mga awit na ito na maaari tayong magkaroon ng kapanatagan kung hihingi tayo ng tulong kay Jehova at lubos na magtitiwala sa kaniya. Iyan ang ginawa ni David nang mapaharap siya sa kagipitan, gaya noong pagtaksilan siya ng anak niyang si Absalom.
SA ISYU RING ITO
3 Talaga Bang Nalulugod Ka sa Salita ng Diyos?
6 “Isang Napakabait na Tagapangasiwa at Mahal na Kaibigan”
26 Sundan si Kristo, ang Sakdal na Lider