Talaan ng mga Nilalaman
Abril 15, 2014
© 2014 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
EDISYON PARA SA PAG-AARAL
HUNYO 2-8, 2014
Tularan ang Pananampalataya ni Moises
HUNYO 9-15, 2014
Nakikita Mo ba ang “Isa na Di-nakikita”?
HUNYO 16-22, 2014
Walang Sinumang Makapaglilingkod sa Dalawang Panginoon
HUNYO 23-29, 2014
Lakasan Mo ang Iyong Loob—Si Jehova ang Iyong Katulong!
HUNYO 30, 2014–HULYO 6, 2014
ARALING ARTIKULO
▪ Tularan ang Pananampalataya ni Moises
▪ Nakikita Mo ba ang “Isa na Di-nakikita”?
Dahil sa pananampalataya, nakita ni Moises ang mga bagay na di-nakikita ng literal na mata. Susuriin sa mga artikulong ito kung paano natin siya matutularan at kung paano tayo mananatiling “matatag na parang nakikita ang Isa na di-nakikita.”—Heb. 11:27.
▪ Walang Sinumang Makapaglilingkod sa Dalawang Panginoon
▪ Lakasan Mo ang Iyong Loob—Si Jehova ang Iyong Katulong!
Sa buong daigdig, milyon-milyon ang nag-a-abroad para magtrabaho. Marami ang nawawalay sa kanilang asawa’t mga anak. Tatalakayin sa mga artikulong ito ang pananaw ni Jehova sa mga obligasyon sa pamilya at kung paano niya tayo tinutulungang magampanan ang mga iyon.
▪ Pinahahalagahan Mo ba ang Pagbabantay ni Jehova?
Kapag nababasa natin na “ang mga mata ni Jehova ay nasa lahat ng dako,” nadarama ng ilan sa atin na interesado lang ang Diyos na makita kung nilalabag natin ang kaniyang mga utos. Baka dahil dito ay makadama tayo ng di-makatuwirang pagkatakot sa kaniya. (Kaw. 15:3) Ipakikita sa artikulong ito ang limang paraan kung paano tayo makikinabang sa pagbabantay ni Jehova.
PABALAT: Sa Istanbul, isang brother ang nagpapatotoo nang di-pormal sa kaniyang barbero at nag-aalok ng brosyur na Magandang Balita
TURKEY
POPULASYON
75,627,384
MAMAMAHAYAG
2,312
PAG-AARAL SA BIBLIYA
1,632
RATIO
1 Saksi sa bawat 32,711 katao
Mula noong 2004, ang bilang ng regular pioneer sa Turkey ay dumami nang 165%