Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 2/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Maglalaan Ba ang Diyos ng Isang Pandaigdig na Gobyerno?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Ang Pamahalaan ng Diyos Ukol sa Kapayapaan
    Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 2/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Posible bang magkaroon ng isang gobyerno na para sa buong mundo?

Pinagkakaisa ng pandaigdig na gobyerno ang mga tao sa buong lupa

Paano pagkakaisahin ng pandaigdig na gobyerno ang mga tao sa buong lupa? Isaias 32:1, 17; 54:13

Isipin kung paano makikinabang ang mga tao sa isang pandaigdig na gobyerno. Marami ang nagdurusa ngayon dahil napakahirap ng buhay nila, samantalang ang iba naman ay sobrang yaman. Pero titiyakin ng isang pandaigdig na gobyernong nakauunawa sa mga sakop nito na ang lahat ay mapaglalaanan. Makagagawa kaya ang mga tao ng ganiyang uri ng gobyerno?—Basahin ang Jeremias 10:23.

Noon pa man, bigo na ang mga gobyerno na ilaan ang pangangailangan ng mga sakop nito, lalo na ng mahihirap. Ang ilang gobyerno ay malupit. (Eclesiastes 4:1; 8:9) Pero nangako ang Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat na magtatatag siya ng isang gobyerno na papalit sa lahat ng iba pang gobyerno. Talagang pangangalagaan ng Tagapamahala nito ang mga tao.—Basahin ang Isaias 11:4; Daniel 2:44.

Ano ang maisasakatuparan ng Kaharian ng Diyos?

Pumili ang Diyos na Jehova ng isang Tagapamahala na tamang-tama para dito—ang kaniyang Anak na si Jesus. (Lucas 1:31-33) Noong nasa lupa si Jesus, interesado siya sa pagtulong sa mga tao. At bilang Hari, pagkakaisahin niya ang lahat ng tao sa buong lupa at aalisin ang lahat ng pagdurusa nila.—Basahin ang Awit 72:8, 12-14.

Tatanggapin ba ng lahat si Jesus bilang Tagapamahala? Hindi. Pero matiisin si Jehova. (2 Pedro 3:9) Binibigyan niya ng pagkakataon ang mga tao na tanggapin si Jesus bilang Tagapamahala. Malapit nang alisin ni Jesus ang masasamang tao at gagawin niyang mapayapa at matiwasay ang buong lupa.—Basahin ang Mikas 4:3, 4.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 8 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share