Talaan ng mga Nilalaman
Marso 15, 2015
© 2015 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
ARALING ARTIKULO
MAYO 4-10, 2015
Ito ang “Paraan na Sinang-ayunan Mo”
MAYO 11-17, 2015
PAHINA 12 • AWIT: 108, 24
MAYO 18-24, 2015
Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga Talento
PAHINA 19 • AWIT: 101, 116
MAYO 25-31, 2015
Matapat na Suportahan ang mga Kapatid ni Kristo
PAHINA 25 • AWIT: 107, 63
ARALING ARTIKULO
▪ Ito ang “Paraan na Sinang-ayunan Mo”
▪ Patuloy Ka Bang Magbabantay?
Sa unang artikulo, tatalakayin natin kung paano ginagabayan ni Jehova ang kaniyang bayan sa pamamagitan ng mga turo na patuloy na nagiging maliwanag at simple. Sa ikalawa, susuriin natin ang talinghaga ni Jesus tungkol sa 10 dalaga at aalamin natin kung paano ito makatutulong sa atin na manatiling gising sa espirituwal.
▪ Matuto sa Ilustrasyon Tungkol sa mga Talento
▪ Matapat na Suportahan ang mga Kapatid ni Kristo
Nang ibigay ni Jesus ang tanda ng kaniyang pagkanaririto, ginamit niya ang dalawang ilustrasyon na tatalakayin natin. Ang isa ay tungkol sa mga alipin na binigyan ng talento, at ang isa ay tungkol sa pagbubukod-bukod sa mga tao bilang tupa o kambing. Alamin kung bakit ibinigay ni Jesus ang mga ilustrasyong ito at kung paano nakaaapekto sa atin ang mga ito.
SA ISYU RING ITO
3 Nasumpungan Namin ang Mas Makabuluhang Karera
PABALAT: Maraming turista ang pumupunta sa Copán para makita ang sinaunang mga guho. Pero tinutulungan ng mga Saksi ni Jehova roon ang mga tao na tumingin sa hinaharap
HONDURAS
POPULASYON
8,111,000
MAMAMAHAYAG
22,098
REGULAR PIONEER
3,471
Kastila ang opisyal na wika ng Honduras. Pero 365 mamamahayag sa 12 kongregasyon ang gumagamit ng wikang Garifuna. Mayroon ding 11 kongregasyon at 3 grupo na gumagamit ng Honduras Sign Language