Talaan ng mga Nilalaman
Hulyo 15, 2015
© 2015 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
EDISYON PARA SA PAG-AARAL
AGOSTO 31, 2015–SETYEMBRE 6, 2015
Tumulong sa Pagpapaganda ng Espirituwal na Paraiso
PAHINA 7
SETYEMBRE 7-13, 2015
“Ang Inyong Katubusan ay Nalalapit Na”!
PAHINA 14
SETYEMBRE 14-20, 2015
Panatilihin ang Katapatan sa Kaharian ng Diyos
PAHINA 22
SETYEMBRE 21-27, 2015
Ito ang Ating Lugar ng Pagsamba
PAHINA 27
ARALING ARTIKULO
▪ Tumulong sa Pagpapaganda ng Espirituwal na Paraiso
Ang bayan ni Jehova ay nagtatamasa ng isang natatanging espirituwal na kapaligiran sa loob ng makalupang bahagi ng organisasyon ng Diyos. Paano natin maipakikita ang ating lubusang pagpapahalaga sa paglalaang ito ni Jehova, at ano ang magagawa ng bawat isa sa atin para lalo itong mapaganda? Sasagutin iyan ng artikulong ito.
▪ “Ang Inyong Katubusan ay Nalalapit Na”!
Ipaliliwanag sa artikulong ito ang ilang kapana-panabik na bagay na mangyayari sa hinaharap. Ipakikita rin dito kung bakit natin mahaharap nang may lubos na pagtitiwala kay Jehova ang malaking kapighatian.
▪ Panatilihin ang Katapatan sa Kaharian ng Diyos
Sa sanlibutang ito ni Satanas, iba-iba ang pinag-uukulan ng mga tao ng kanilang katapatan. Pero ang mga Kristiyano ay nangakong kay Jehova nila iuukol ang kanilang katapatan. Susuriin sa artikulong ito kung bakit wala tayong pinapanigan sa mga isyu ng sanlibutan at kung paano natin sasanayin ang ating isip at budhi na manatiling neutral.
▪ Ito ang Ating Lugar ng Pagsamba
Ang bayan ni Jehova ay sumasamba sa libo-libong Kingdom Hall at iba pang pasilidad sa buong daigdig. Sa artikulong ito, susuriin natin ang mga simulain sa Bibliya na makatutulong sa atin na makita kung ano ang dapat na maging pananaw natin sa mga lugar na ito ng pagsamba, pagtulong sa gastos para dito, at pagmamantini nito—para sa kapurihan ni Jehova.
SA ISYU RING ITO
3 Kusang-Loob Nilang Inihandog ang Kanilang Sarili—Sa Russia
12 Paglilingkod kay Jehova sa “Kapaha-pahamak na mga Araw”
20 Mahalaga Ba Kung Sino ang mga Makakakita sa Ginagawa Mo?
32 Alam Mo Ba?
PABALAT: Mga kapatid na sama-samang nanananghalian nang mangaral sila sa liblib na mga lugar sa malawak na teritoryo ng Siberia
RUSSIA
POPULASYON
143,930,000
MAMAMAHAYAG