Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w16 Abril p. 32
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Pantatak, Tatak
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Singsing na pantatak
    Glosari
  • Pagtatatak ng Dokumento
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Sinaunang mga Pantatak—Ano ang mga Ito?
    Iba Pang Paksa
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
w16 Abril p. 32

MGA TANONG MULA SA MGA MAMBABASA

Ano ang “palatandaan” at “tatak” na tinatanggap ng bawat pinahirang Kristiyano mula sa Diyos?—2 Cor. 1:21, 22.

Idiniriin ng isang tao sa luwad na nasa dokumento ang kaniyang singsing na pantatak

Ginagamit noon ang singsing na pantatak para mag-iwan ng marka sa luwad o pagkit upang ipakita ang pagiging tunay ng isang dokumento

Palatandaan: Ayon sa isang reperensiya, ang terminong Griego na isinaling “palatandaan” sa 2 Corinto 1:22 ay “isang teknikal na termino na nauugnay sa batas at negosyo” na nangangahulugang “paunang hulog, deposito, paunang bayad, panagot, na patiunang ibinabayad bilang bahagi ng halaga ng isang bagay na binibili, kaya nagbibigay ito ng legal na karapatan sa isa na ariin ang bagay na iyon, o nagbibigay-bisa sa isang kontrata.” May kaugnayan sa mga pinahiran, ang kabuoang bayad, o gantimpala, na inilalarawan sa 2 Corinto 5:1-5 ay ang pagbibihis ng isang makalangit na katawan na walang-kasiraan. Kasama rin sa gantimpala ang pagtanggap ng kaloob na imortalidad.—1 Cor. 15:48-54.

Sa modernong wikang Griego, isang kahawig na pananalita ang ginagamit para sa engagement ring. Angkop na ilustrasyon ito para sa mga magiging bahagi ng makasagisag na asawa ni Kristo.—2 Cor. 11:2; Apoc. 21:2, 9.

Tatak: Ginagamit noon ang tatak bilang panlagda para patunayan ang pagmamay-ari, autentisidad, o kasunduan. May kaugnayan sa mga pinahiran, sila ay “tinatakan,” o minarkahan, ng banal na espiritu sa makasagisag na paraan bilang pag-aari ng Diyos. (Efe. 1:13, 14) Pero ang tatak na ito ay magiging permanente lang bago mamatay nang tapat ang pinahiran o bago magsimula ang malaking kapighatian.—Efe. 4:30; Apoc. 7:2-4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share