Talaan ng mga Nilalaman
3 Kusang-Loob Nilang Inihandog ang Kanilang Sarili—Sa Madagascar
LINGGO NG PEBRERO 26, 2018–MARSO 4, 2018
7 “Siya ay Nagbibigay ng Lakas sa Pagod”
Ano ang gagawin natin kapag nasasagad na tayo ng mga problema sa buhay? Tinatalakay ng artikulong ito ang ating taunang teksto para sa 2018. Ipinakikita nito kung bakit dapat nating hayaang palakasin tayo ni Jehova at kung paano niya ito gagawin.
LINGGO NG MARSO 5-11, 2018
12 Ang Ating Pagkakaisa at ang Memoryal
Sa Sabado, Marso 31, 2018, idaraos ang taunang Memoryal ng kamatayan ni Kristo. Paano tayo makapaghahanda para sa okasyong ito, paano tayo makikinabang sa pagdalo, at paano ito nakatutulong sa pagkakaisa ng bayan ng Diyos sa buong daigdig? Alamin ang mga sagot sa artikulong ito.
LINGGO NG MARSO 12-18, 2018
17 Bakit Dapat Magbigay sa Nagmamay-ari ng Lahat ng Bagay?
Lahat ng mayroon tayo ay galing kay Jehova. Pero inaasahan niya na gagamitin natin ang ating materyal na mga pag-aari para suportahan ang gawain ng kaniyang organisasyon sa ngayon. Tatalakayin ng artikulong ito kung bakit at paano tayo nakikinabang sa pagpaparangal kay Jehova gamit ang ating mahahalagang pag-aari.
LINGGO NG MARSO 19-25, 2018
22 Anong Uri ng Pag-ibig ang Nagbibigay ng Tunay na Kaligayahan?
LINGGO NG MARSO 26, 2018–ABRIL 1, 2018
27 Tingnan ang Pagkakaiba ng mga Tao
Tinatalakay ng unang artikulo kung paanong ang tunay na kaligayahan ay nagmumula sa pag-ibig sa Diyos at hindi sa huwad na mga uri ng pag-ibig na palasak sa “mga huling araw.” (2 Tim. 3:1) Inilalarawan naman ng ikalawang artikulo kung paanong ang pag-uugali ng mga tao sa mga huling araw ay ibang-iba sa mga katangian ng bayan ng Diyos.
32 Alam Mo Ba?