Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG ENERO 13-19
8 min: Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian at lokal na mga patalastas. Ilakip din ang ulat ng kuwenta.
17 min: “Tulungan ang mga Baguhan na Makibahagi sa Pagsulong ng Kaharian.” Tanong-sagot. Pagkatapos na talakayin ang parapo 4, itanghal sa maikli kung papaanong ang isang may karanasang mamamahayag ay tutulong sa isang baguhan na maghanda para sa paglilingkod. Gamitin ang kasalukuyang alok at Paksang Mapag-uusapan.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Magasin.” Talakayin ang artikulo sa tagapakinig, at pagkatapos ay magkaroon ng maikling pagtatanghal sa pagpapasimula ng isang ruta ng magasin at pagsasagawa ng gawain sa mga tindahan.
Awit 126 at panalangin.
LINGGO NG ENERO 20-26
8 min: Lokal na mga patalastas. Ipagunita sa lahat ang gawain sa ika-4 na Sabado sa magasin.
20 min: “Maaari ba Kayong Mag-auxiliary Payunir sa Marso at Abril?” Tanong-sagot. Banggitin kung ilan ang nag-auxiliary payunir sa kongregasyon nang nakaraang Marso at Abril at himukin ang higit pa na makibahagi sa taong ito.
17 min: “Pagsasanay sa Ating mga Anak na Maglingkod kay Jehova.” Pagtalakay sa pagitan ng dalawang ulo ng pamilya. Pagkatapos na talakayin ang unang dalawang parapo, ang isang ama ay bumanggit sa suliranin ng pagsaludo sa bandila sa paaralan. Anyayahan ang tagapakinig na magmasid habang itinatanghal niya kung papaano niya tinulungan ang kaniyang mga anak na mapagtagumpayan ang bagay na ito. (Gamitin ang mga reperensiya sa parapo 3 ng artikulo.) Sa pagtatapos ng pagtatanghal, ang anak na tin-edyer ng isang ama ay lumapit sa plataporma at tinanong ang ama hinggil sa pagdiriwang ng kapanganakan. Binasa ng ama ang School brochure mula sa pahina 17 at tinulungan ang bata na mangatuwiran doon.
Awit 183 at panalangin.
LINGGO NG ENE. 27—PEB. 2
15 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla sa pagpapatotoo sa unang Linggo ng Pebrero 3. Talakayin din ang artikulo sa “Mga Pansirkitong Asamblea.”
20 min: Pahayag sa “How Can I Get Rid of My Jealous Feelings?” Sa Awake! ng Agosto 22, 1984 (Enero 22, 1985 sa Tagalog).
10 min: Paksang Mapag-uusapan. Magkaroon ng pagtatanghal sa Paksa sa pamamagitan ng isang may kakayahang payunir na ipinakikita kung papaanong mabisang maiaalok ang suskripsiyon sa Pebrero.
Awit 190 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 3-9
10 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla sa gawain sa magasin sa Pebrero 9.
20 min: “Help Your Young Ones to Be Close to God.” Pahayag salig sa The Watchtower ng Agosto 1, 1984 (Pebrero 1, 1985 sa Tagalog). Himukin ang mga kabataan na malasin ang kanilang mga kamag-aral at mga guro bilang kanilang “pantanging teritoryo.” (Tingnan ang Watchtower, Hulyo 15, 1984, p. 7.)
15 min: Mga Kabataan—Huwag Padadaya. Pahayag at pagtatanghal. Gaya ng ipinakita sa “Pagsulong ng Kaharian’’ na mga pandistritong kumbensiyon, ang mga kabataan ay isang pantanging puntirya ni Satanas. Pinipili niya ang mga walang karanasan, na tinutukso sila kagaya ng kaniyang ginawa kay Eba. Nililinang ang sakim na pagnanasa upang “gawin mo ang gusto mo,” magpasiya ka kung ano ang mabuti at masama. Tayo ay dapat na maging alisto sa kaniyang “mapandayang pagkilos.” (Efe. 6:11, Int.) Kaniyang ginagawa na ang makasanlibutang imoralidad, pag-abuso sa droga at makasanlibutang paglilibang ay lumitaw na kaakit-akit at di masama, gaya ng prutas ng punongkahoy sa pangmalas ni Eba. Ipakilala ang tagpo na ang isang lalaking tin-edyer ay lumapit sa isang matanda. Ayaw siyang pahintulutan ng kaniyang ama na sumali sa isang organisadong palakasan sa eskuwelahan. Iminungkahi ng matanda na kanilang pag-usapang magkasama ang kabanata 16 ng aklat na Kabataan kasama ng kaniyang ama at kaniyang isinaayos ang panahon ng pagdalaw sa kanilang tahanan upang talakayin iyon. Sumang-ayon ang kabataan. Magtapos sa pamamagitan ng komento kung gaano natin kamahal ang ating mga anak at na nais natin silang ipagsanggalang mula sa mga pakana ni Satanas.—2 Cor. 11:3.
Awit 221 at panalangin.