Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG PEBRERO 10-16
10 min: Lokal na mga patalastas at Teokratikong mga Balita.
20 mln: “16,000 Auxiliary Payunir sa Abril?” Tanong-sagot na pagtalakay ng tagapangasiwa sa paglilingkod. Ibigay ang lokal na bilang ng mga nag-auxiliary payunir nang nakaraang Abril. Kapanayamin ang isa o dalawang determinadong magpayunir sa Abril, na tinatanong sila kung papaano nila isasaayos ang kanilang panahon upang gawin iyon. Himukin ang lahat sa kongregasyon na dumalo sa pantanging pulong ng mga maaaring mag-auxiliary payunir sa Pebrero 17.
15 min: The Divine Name That Will Endure Forever. Repasuhin ang mga pinakatampok sa bagong brochure. Ang publikasyong ito ay nagbibigay ng mahusay na patotoo na nagpapatunay na ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Ipakita ang pangunahing punto na itinatampok sa brochure, na ipinakikita kung papaano ito maaaring gamitin upang tulungan ang mga interesado na makilala ang kahalagahan ng banal na pangalan at sa pangangailangang matutuhan ang higit pa hinggil sa tunay na Diyos. Himukin ang lahat na basahin ito at maging bihasa dito upang magamit nila ito sa larangan.
Awit 59 at panalangin.
LINGGO NG PEBRERO 17-23
10 min: Mga Patalastas sa Ating Ministeryo sa Kaharian, lokal na mga patalastas at ulat ng kuwenta.
20 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—sa Paraang Nagdudulot ng Personal na Kagalakan.” Tanong-sagot sa pamamagitan ng isang matanda. Habang ipinahihintulot ng panahon, anyayaban ang tagapakinig na maglahad ng mga karanasan na nagdala sa kanila ng kagalakan. Repasuhin ang mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan sa linggong ito, lalo na sa Sabado, Pebrero 23.
15 min: Repasuhin ang mga tampok na bahagi sa 1985 Yearbook. Ipakita ang namumukod-tanging pagsulong sa mamamahayag, payunir at mga pag-aaral sa Bibliya sa buong daigdig. Maglahad ng ilang mga karanasan sa pasimulang bahagi ng Yearbook. Himukin ang lahat na basahin kaagad ang napakainam na ulat na ito karakaraka. Kung wala pang Yearbook, gamitin ang mga ulat mula sa chart ng paglilingkod sa larangan sa Enero 1, 1985 na Watchtower upang ipakita ang maiinam na tinamasang pagsulong. Tiyaking ilakip ang lokal na mga pagsulong sa kongregasyon upang ang lahat ay mapatibay.
Awit 16 at panalangin.
LINGGO NG PEB. 24—MAR. 2
5 min: Lokal na mga patalastas. Himukin ang lahat na makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa Linggo, Marso. 3.
15 min: “Ang mga Kapakanan ba ng Kaharian ay Nauuna sa Inyong Buhay?” Tanong-sagot sa pamamagitan ng isang matanda. Kapanayamin ang isang regular payunir na pumasok sa buong panahong paglilingkod kaysa sa ibang karera. O maglahad ng lokal na karanasan ng isang naglagay ng mga kapakanan ng Kaharian na una sa kaniyang buhay.
15 min: “Would You Spread a Rumor?” Pahayag salig sa The Watchtower ng Setyembre 1, 1984 (Marso 1, 1985 sa Tagalog).
10 min: Repasuhin sa maikli ang Paksang Mapag-uusapan, na iniaangkop ito sa alok na aklat para sa Marso. Ipatalastas kung anong aklat ang makukuha at magbigay ng litaw na mga punto na magagamit ng mga kapatid. Itanghal sa maikli ang presentasyon.
Awit 172 at panalangin.
LINGGO NG MARSO 3-9
5 min: Lokal na mga patalastas. Magpasigla para sa gawain sa magasin sa Marso 9.
20 min: “Maghanda para sa Pagdiriwang ng Memoryal.” Tanong-sagot. Basahin ang mga parapo at tingnan ang mga kasulatan.
20 min: Pahayag sa artikulo “Young People Ask . . . Why Should I Have Good Manners?” mula sa Awake! ng Setyembre 22, 1984 (Pebrero 22, 1985 sa Tagalog). Hayaang ang ilang kabataang mamamahayag ay magkomento hinggil sa pag-uugali na kanilang nakikita sa sanlibutan at sa pagkakaiba nito doon sa bayan ng Diyos. Hayaang magkomento sila kung papaano nila pinakitunguhan ang gayong masamang pag-uugali sa mataktikang paraan.
Awit 160 at panalangin.