Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 5/85 p. 1-2
  • Ang Karangalang Magtaglay ng Pangalan ni Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Karangalang Magtaglay ng Pangalan ni Jehova
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MGA EPEKTO NG PAGIGING KARAPATDAPAT MAGTAGLAY NG KANIYANG PANGALAN
  • IALOK ANG AKLAT NA “SURVIVAL”
  • Parangalan ang Dakilang Pangalan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Bakit Kailangang Makilala Natin ang Pangalan ng Diyos
    Ang Banal na Pangalan na Mananatili Magpakailanman
  • Dinadakila ni Jehova ang Kaniyang Pangalan
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
  • Pagpapakilala sa Banal na Pangalan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 5/85 p. 1-2

Ang Karangalang Magtaglay ng Pangalan ni Jehova

1 Anong karangalan ang taglayin ang pangalang mga Saksi ni Jenova! Tayo ay nagagalak na makilala si Jenova at kilalanin niya bilang mga indibiduwal na gumagalang sa kaniyang pangalan at sumusunod sa kaniyang mga batas.

2 Upang maging karapatdapat taglayin ang pangalan ng Diyos, dapat nating ipakitang ating nauunawaang lubos kung ano ang nasasangkot sa pangalang iyon. Ito ay nangangahulugang kinikilala natin si Jehova bilang ang Dakilang Manlalayon. Kung ano ang sabihin niya ay natutupad. (Isa. 55:11) Kaya, mayroon tayong lubusang pagtitiwala na mangyayari ang kaniyang mga layunin. Upang maipakita ang ating pagtitiwala dapat nating gamitin ang ating mga buhay sa pagtataguyod sa kaniyang mga kaayusan.

3 Ang pagtataglay ng pangalan ni Jehova ay nangangahulugan din ng pagkilala at pag-ibig sa kaniyang mga katangian. Kapag narinig natin ang kaniyang pangalan ating naiisip ang kaniyang kaawaan, pagtitiis at kagandahang-loob. (Ex. 34:6) Una sa lahat siya ay isang Diyos ng pag-ibig. Kaya, ang pagtataglay ng Kaniyang pangalan sa paraang karapatdapat ay naglalakip sa pagtulad sa kaniyang mga katangian sa ating mga buhay.—Juan 13:35.

MGA EPEKTO NG PAGIGING KARAPATDAPAT MAGTAGLAY NG KANIYANG PANGALAN

4 Kapag tayo ay naglilingkod kay Jehova nang buong-kululuwa, ito ay may mabuting epekto para sa iba. Kanilang nakikita tayo bilang isang maligayang bayan na nagkakaisa sa lahat ng mga bansa. Tayo ay malaya mula sa mga droga at imoral na mga gawain. Ang ating mga pamilya at pag-aasawa ay maligaya dahilan sa pagkakapit ng mga simulain sa Bibliya. Maraming mga nagpapatrabaho ang nagnanais na mga Saksi ni Jehova ang gumawa sa kanila dahilan sa sila’y tapat at hindi nagnanakaw, o nandaraya o nagsisinungaling. Ang ating Kristiyanong paggawi ay umaakit ng mga taimtim na tao tungo kay Jehova.

5 Subali’t ang pinakadakilang patotoo sa ating paggalang sa pangalan ni Jehova ay ang ating pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian. Ang mga ulat ay nagpapakita na ang bayan ng Diyos ay masigasig na nakikibahagi sa gawaing ito. Parami nang parami ang pumapasok sa paglilingkuran bilang auxiliary at regular payunir. Naranasan na ba ninyo ang kagalakang ito? Kung hindi pa, may magagawa ba kayo sa taong ito?

8 Huwag mawalan ng loob kung ang inyong kalagayan ay humahadlang sa inyo sa pagsasagawa nang higit pa kagaya ng iba na malalakas ang katawan at walang gaanong pananagutan. Ang pangalan ni Jehova ay napaparangalan kapag ang bawa’t tao ay nagsasagawa ng pinakamabuti salig sa tinataglay niya. Ang espiritu ng pagiging buong puso sa pangangaral ay nagpapakita na ating pinahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos at tayo ay nagnanais na parangalan siya.

IALOK ANG AKLAT NA “SURVIVAL”

7 Ang ating literatura ay naglalaan ng mainam na tulong sa paghahayag sa pangalan ni Jehova sa iba pa. Ang magasing Bantayan sa nakaraang 106 na taon ay ginagamit sa paghahayag ng pangalan at Kaharian ni Jehova. Sa Mayo taglay natin ang isang mainam na instrumento na inilaan ng “tapat at maingat na alipin,” ang aklat na Survival Into a New Earth. Ating ialok ito nang may sigla sa lahat na nakababasa ng Ingles sa ating mga teritoryo. Halimbawa, sa pagtalakay sa mga layunin ni Jehova, masisiyahan kayong ipakita ang kabanata 4, “The Kind of Life That Awaits Survivors.” Ang ilustrasyon sa pahina 33 ay nagpapakita kung ano ang orihinal na layunin ng Diyos at makatitiyak tayo na ang layuning ito ay matutupad.

8 Yaong mga kukuha ng kopya ng aklat na ito o ng iba pang publikasyong inyong iaalok sa Mayo ay matututo nang higit pa tungkol kay Jehova. Nawa sila man sa dakong huli ay magkaroon ng karangalang taglayin ang pangalan ni Jehova.—Roma 10:13.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share