Mga Patalastas
● Ang alok na literature sa Pebrero: Suskripsiyon ng Bantayan sa isang taon sa ₱50.00. (₱25.00 para sa buwanang edisyon o anim na buwang suskripsiyon.) Marso at Abril: Tatlong pambulsang aklat na newsprint sa ₱7.00. (Rehiyong Tagalog: Alinmang pambulsang aklat sa ₱12.00.) Mayo: Bagong aklat na Survival Into a New Earth sa ₱12.00.
● Ang lahat ng regular na pulong ng kongregasyon ay idaraos gaya ng dati sa linggo ng Memoryal. Gayumpaman, ang mga kongregasyon na may pulong sa Huwebes, Abril 4 ay dapat na magsaayos nito sa ibang gabi upang walang ibang pulong ang makasagabal sa pagdiriwang ng Memoryal.
● Sa Linggo, Pebrero 17, isang pulong ang gaganapin para sa lahat na nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Ito ay idaraos bago o pagkatapos ng lingguhang pag-aaral ng Bantayan.
● Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos niyaon.
● Kung hindi pa kayo nakapaglalagay ng inyong pantanging pidido para sa mga magasin sa Abril, pakisuyong gawin iyon karakaraka. Isaalang-alang na marami ang makikibahagi sa auxiliary na pagpapayunir sa buwang iyon anupa’t sila’y dapat magkaroon ng sapat para sa kanilang pangangailangan.
● Nasa ibaba ang mga halaga para sa mga bagong publikasyon na inilabas sa “Pagsulong ng Kaharian“ na mga Pandistritong Kumbensiyon. Ang mga ito ay maaaring pididuhin mula sa Samahan habang may suplay pa.
Large-print Reference Bible (₱108.00 sa kongregasyon at publiko; ₱60.00 sa payunir)
Survival Into a New Earth (₱12.00 sa publiko; ₱11.00 sa kongregasyon; ₱6.00 sa payunir)
The Divine Name That Will Endure Forever (₱3.60 sa publiko; ₱3.40 sa kongregasyon; ₱1.80 sa payunir)
Kingdom Melodies No. 5 (₱30.00 sa kongregasyon at publiko; ₱25.00 sa payunir)
● Ang Samahan ay naglabas ng isang binagong 1984 na edisyon ng New World ‘Translation at mayroon na nito sa Pilipinas. Hindi gaya ng mga nakaraang edisyon, ito ay naglalaman ng libu-libong reperensiya sa gilid. Yamang wala na tayong 1981 o 1971 edisyon sa tanggapang pansangay, kapag kayo ay pumidido ng bi12, awtomatikong ipadadala sa inyo ang bagong edisyong ito ng 1984. Ang halaga ay gaya ng sumusunod: ₱42.00 sa publiko; ₱38.00 sa kongregasyon; ₱21.00 sa payunir. Kung mayroon pang 1981 edisyon sa stock ng kongregasyon, ang mga ito ay patuloy na maiaalok sa halagang ₱36.00 sa publiko, ₱33.00 sa kongregasyon at ₱18.00 sa payunir hanggang maubos ang mga ito.
● Mayroon pa tayong suplay ng 113-cassette albums ng mga bagong awitin ng Kaharian dito sa Bethel. Napakadaling gamitin ito ng mga kongregasyon yamang may dalawa lamang awitin ang nasa bawa’t cassette tape. Maaaring pididuhin ang mga ito sa halagang ₱1,000.00.
● Isang pantanging pahayag pangmadia ang gaganapin sa Abril 14 sa paksang: “Mabuting Balita sa Isang Marahas na Daigdig.” Ang mga balangkas ay ipadadala sa mga kongregasyon upang makapaghanda ang mga tagapagsalita. Ang pahayag na ito ay magiging Blg. 85 sa serye ng pahayag pangmadla.