Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/85 p. 3
  • 16,000 Auxiliary Payunir sa Abril?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 16,000 Auxiliary Payunir sa Abril?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
km 2/85 p. 3

16,000 Auxiliary Payunir sa Abril?

1 May dalawang taon lamang ang nakararaan, sa Pebrero, 1983 isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian, tayo ay nagkaroon ng artikulong pinamagatang “6,000 Auxiliary Payunir—Maaabot ba Natin Ito?” Hindi lamang natin naabot ito, kundi noong Abril, 1983 tayo ay nag-ulat ng 10,145 na mga auxiliary payunir. Pagkatapos noong Abril, 1984 naabot natin ang higit pang mataas na bilang na 13,984. Ano naman ang tungkol sa 1985? Maaari bang makapag-ulat ng 16,000 sa Abril na ito?

2 Bakit 16,000? Sapagka’t ito ay magiging 20% ng ating mga mamamahayag kung ating maaabot ang ating tunguhing 80,000 sa Abril. Mayroon tayong mahigit sa 80,000 aktibong mamamahayag ngayon sa Pilipinas, kaya walang dahilan upang hindi natin maabot ang bilang na ito. Kung 20% ang makapag-aauxiliary payunir sa bawa’t kongregasyon, kung gayon ito ay mangangahulugang 16,000 auxiliary payunir sa Abril.

3 Nang nakaraang Abril, isang surbey ang nagpapakita na mahigit sa 1,000 kongregasyon ang nag-ulat na sila’y nagkaroon ng mahigit sa 20% na nasa gawaing auxiliary payunir. Ito ay halos kalahati ng lahat ng kongregasyon. May 450 kongregasyon na ang ikatlong bahagi ng kanilang mamamahayag ay nasa auxiliary payunir na gawain, at may mga 113 kongregasyon na kalahati ng kanilang mamamahayag ang nasa gawaing ito! Isang kongregasyon na may 59 na mamamahayag ang nag-ulat ng 37 na nasa gawaing auxiliary payunir, na 63%! Kaya nakikita ninyong ang ating tunguhing 20% sa gawaing auxiliary payunir sa Abril ay makatuwiran at madaling maabot. Pinasisigla namin ang lahat na maingat na pakaisiping mabuti ang kanilang plano ngayon.

4 Sa Linggo, Pebrero 17, maging bago o pagkatapos ng pag-aaral ng Bantayan, magkakaroon ng isang pulong para sa lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa mga buwan ng Marso, Abril at Mayo. Ang tagapangasiwa sa paglilingkod ang mangangasiwa sa pulong na ito at dapat na tiyakin niyang marami siyang aplikasyong taglay. Makabubuti na sa pulong na ito ay tanungin ang ilan na nag-auxiliary payunir nang nakaraang Abril kung ano ang kanilang nadama at kung bakit sila nagpaplanong mag-auxiliary payunir muli sa taong ito. Ito ay makapagpapatibay sa mga hindi pa nakakaranas sa kaligayahan ng pagpapayunir. Ipaliwanag na ang kaayusan ay isinasagawa para sa palagiang paglilingkod sa larangan, maging sa gabi sa ibang dako, upang yaong mga magpapayunir ay laging may makasama sa paglilingkuran at maaabot ang kanilang tunguhin.

6 Kahit na bago pa ang pulong na ito, hinihimok namin ang lahat ng regular payunir at yaong mga palagiang nag-aauxiliary payunir na magpasimula nang makipag-usap sa mga nadarama ninyong maaaring mapasiglang magpayunir sa Abril. Ang personal na pagpapasiglang ito ay kadalasang higit na mabisa kaysa pagpapasigla mula sa plataporma. Sa pamamagitan ng lubusang pagtataguyod ng lahat sa pantanging kampanyang ito, hindi lamang natin maaabot ang ating tunguhin kundi makapagbibigay ng isang malaking patotoo para sa kapurihan ni Jehova at masusumpungan ang maraming tulad-tupa upang matulungan sa daan ng buhay.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share