Isang Bagong Peak sa Abril—95,746 na mga Mamamahayag!
May Kabuuang 30,286 ang Nakibahagi sa Buong Panahong Paglilingkod!
Ang ulat ng Abril ay tunay na nagbibigay sa atin ng dahilan ukol sa kagalakan! Tayo ay nagpapasalamat kay Jehova para sa kaniyang pagpapala at para sa pagpapalago sa mga bagay-bagay. (1 Cor. 3:6, 7) Magiging interesado kayo sa mga tampok na bahagi ng sumusunod na ulat:
Kabuuang Mamamahayag: 95,746. Ito ay 12,076 ang kahigitan sa Abril, 1985.
Auxiliary Payunir: 19,235, na 20% ng kabuuang mga mamamahayag.
Regular Payunir: 10,275. Ito ay 48% pagsulong kung ihahambing sa bilang ng mga nag-ulat noong Abril, 1985.
Kabuuang Payunir: 30,286—32% ng kabuuang mga mamamahayag.
Kabuuang Oras: 2,717,996. Ito ay 448,234 ang kahigitan sa Abril, 1985.
Pagdalaw-muli: 628,052. Ito ay 107,167 ang kahigitan sa Abril, 1985.
Pag-aaral sa Bibliya: 73.578. Ito ay 17,663 ang kahigitan sa Abril, 1985.
Higit kailanman, ang naaalay na bayan ni Jehova ay nagpapakita ng kanilang katapatan at sigasig habang sila ay nagsasalita ng tungkol sa soberanya ni Jehova. Patuloy nawang sumulong ang bilang ng mga pumupuri sa kaniya habang ang kaniyang makapangyarihang mga gawa ay nagpapatuloy na mahayag.—Awit 145:10-12.