Pulong na Tutulong sa Atin na Gumawa ng Alagad
LINGGO NG SETYEMBRE 8-14
10 min: Lokal na patalastas. Himukin ang lahat na makabahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito. Itanghal ang dalawang 60-segundong presentasyon, na itinatampok ng isa ang Bantayan at ng isa ang Gumising!
15 min: “May Katapangang Ipinangangaral ang Mabuting Balita.” Tanong-sagot na pagtalakay. Kapag isinasaalang-alang ang parapo 5, repasuhin ang litaw na mga punto sa aklat na Kaligayahan.
20 min: Pagpapahalaga sa Pagkaapurahan ng Ating Pangmadlang Ministeryo. Pagtalakay sa tagapakinig.
(3 min.) Tsirman: Isang pribilehiyo na makibahagi sa pinakamahalagang gawain sa ating panahon. (Mat. 24:14; 28:19, 20) Magbigay ng halimbawa ng pagtangkilik ng anghel. (Apoc. 14:6, 7) Yamang ang nalalabing panahon ay maikli, dapat na magkaroon ng pagkaapurahan. (Mat. 9:37, 38; Efe. 5:15-17)
(15 min.) Talakayin sa tagapakinig ang sumusunod na mga katanungan at mga kasulatan: Anong personal na pananagutan ang idinudulot ng pag-aalay? (Mat. 11:28-30; Luk. 6:40, 45) Papaano natin nalalaman na ang pangangaral ay siyang pangunahing gawain ng Kristiyanong kongregasyon? (Luk. 8:1; 9:1, 2; 10:1, 8, 9) Papaanong ang ating pakikibahagi sa ministeryo ay isang pagsubok sa ating pag-ibig para kay Jehova at sa kaniyang organisasyon? (Apoc. 12:12, 17; Mat. 10:32, 33; 25:31-33, 37-40) Ano ang dapat na maging saloobin natin hinggil sa pagkakaroon ng lubusang bahagi sa ministeryo? (Roma 11:13; 15:16; 1 Cor. 9:16)
(2 min.) Pangwakas: Repasuhin ang mga pangunahing punto. Himukin ang lahat na makibahagi sa dulong sanlinggong gawain.
Awit 27 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 15-21
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian. Gayundin ang ulat sa kuwenta.
20 min: “Kayo ba ay Gumagawa Bilang Isang Pamilya Tungo sa mga Espirituwal na Tunguhin?” Tanong-sagot na pagtalakay.
15 min: “Parents, Protect Your Children.” Pahayag ng matanda salig sa artikulo ng Watchtower ng Marso 15, 1985 (Setyembre 15, 1985 sa Tagalog).
Awit 157 at panalangin.
LINGGO NG SETYEMBRE 22-28
15 min: Lokal na mga patalastas, lakip ang ulat ng kongregasyon sa paglilingkod sa larangan noong Agosto. Gagampanan ito ng tagapangasiwa sa paglilingkod, na sinusuri kung ano ang nagawa sa katatapos pa lamang na 1985 na taon ng paglilingkod. Magbigay ng komendasyon, at banggitin din ang ilang mga tunguhin ng kongregasyon na maaaring isagawa sa 1986 na taon ng paglilingkod.
10 min: Bakit Magiging Isang Auxiliary Payunir? Kapanayamin ang isa o dalawang mamamahayag na naglingkod kamakailan bilang mga auxiliary payunir. Tanungin sila: Bakit sila nagpayunir? Papaano nila napaglaanan iyon ng panahon? Papaano sila nakinabang? Maglahad sila ng mga karanasan sa panahon ng kanilang pagpapayunir.
20 min: “Tulungan ang Iba na Sumulong sa Ministeryo.” Tanong-sagot na pagtalakay sa artikulo.
Awit 132 at panalangin.
LINGGO NG SET. 29—OKT. 5
10 min: Lokal na mga patalastas, ilakip ang pagpapatotoo sa unang Linggo ng Oktubre 6. Isaalang-alang din ang artikulong “Malawakang Ipamahagi ang Gumising!”
17 min: Tumulong na Ingatang Malinis ang Inyong Kingdom Hall. Pagtalakay sa tagapakinig. Isaalang-alang ang sumusunod na mga tanong at kasulatan. Bakit napakahalaga ang isang malinis na Kingdom Hall? (Neh. 12:30; 2 Cron. 29:2-5, 15-17) Papaano masasanay ang mga anak sa bagay na ito? (Kaw. 22:6) Papaano maoorganisa ang mga atas ng paglilinis sa Bulwagan? (1 Hari 5:14) Ano ang dapat na maging saloobin natin sa paglilinis sa Kingdom Hall? (Neh. 10:39) Repasuhin ang lokal na kaayusan sa paglilinis ng Kingdom Hall.
18 min: “Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Unawa.” Tanong-sagot na pagtalakay.
Awit 31 at panalangin.
LINGGO NG OKTUBRE 6-12
15 min: Lokal na mga patalastas, ilakip ang pampatibay-loob na makibahagi sa gawain sa magasin sa Sabadong ito. Imungkahi ang mga litaw na punto mula sa huling labas ng mga magasin na maaaring gamitin sa larangan, kapuwa sa pag-aalok ng magasin at pagkuha ng mga suskripsiyon. Itanghal ang pag-aalok ng suskripsiyon.
15 min: Isang Timbang na Pangmalas sa ‘Pagmamarka.’ Tanong-sagot na pagsaklaw sa “Questions from Readers” sa Abril 15, 1985 na Watchtower (Oktubre 15, 1985.sa Tagalog). Ipabasa ang lahat ng parapo. Gagampanan ng isang matanda.
15 min: “How Expansive Is Your Love?” Pahayag sa artikulo mula sa Watchtower ng Marso 15, 1985 (Setyembre 15, 1985 sa Tagalog).
Awit 30 at panalangin.