Malawakang Ipamahagi ang Gumising!
1 Sa pana-panahon ang Gumising! ay nagtatampok ng mga artikulo na may pantanging interes sa ilang grupo ng mga tao. Kung tayo ay alisto sa pantanging interes na mapupukaw nito, malawakang maipamamahagi natin ang Gumising! sa ating teritoryo.
2 Halimbawa, ang isyu ng Awake! ng Agosto 8 ay nagtataglay ng mga artikulo hinggil sa krimen, ang mga sanhi nito at ang solusyon. Nagbibigay ito ng pantanging interes sa mga pulis, abogado, hukom at mga opisyal ng bilangguan.
3 Ang isyu ng Awake! ng Setyembre 8 ay may serye ng mga artikulo hinggil sa mga suliranin sa pagbabasa at nagbibigay ng mga mungkahi sa pagpapasulong ng kakayahang magbasa. Ito ay maaaring magbigay ng interes sa mga guro sa paaralan at sa iba pa na interesado sa edukasyon. Marahil ang mga kabataang Saksi na estudiyante ay magnanais na ipamahagi ang isyung ito sa mga guro.
4 Marami ang nagtagumpay sa pamamagitan ng pagiging alisto sa pag-aalok ng mga piling artikulo sa mga pantanging grupo na interesado sa impormasyong iyon. Ang paalaalang ito nawa ay makatulong sa inyo na ipamahagi nang malawakan ang Gumising! lalo na sa ating dumarating na kampanya ng suskripsiyon sa Oktubre.